if hindi seryoso at sigurado, then don't bigay motibo.

a thread;
kung hindi ka naman "seryoso" at "sigurado" sa mga ginagawa mo sa isang tao, then stop it.
oo, may times na hindi ka lang aware na "nakakahulog" na pala 'yang ginagawa mo, like unintention mo namang magustuhan ka, okay lang 'yun.

nasa kaniya naman 'yun kung papaano niya i-handle at manage ang nararamdaman niya eh.
kung wala ka naman talagang intensyon at gusto sa isang tao, okay lang 'yon, keep it that way.

kasi nasa kaniya naman 'yun kung bibigay o madadala siya sa ginagawa mo.
pero yung "biglaang" may pagbabago in a way na parang mapapaisip kang may something agad sa pinapakita mo, pag-isipan mo muna 'yan.
let's just say na bigla ka na lang naging "sweet", "caring" at "concern" sa kaniya in a short amount of time, like syempre sa part niya, magkakaroon ng katanungan 'yun sa isipan niya:

"bakit bigla siyang naging ganito sa'kin?" ---
--- mapapaisip agad siya na baka may something sa ginagawa mo.

Oo, as a friend, pwede maging malambing at maaalalahanin pero iba kasi yung dating kapag binibigyan ng motibo eh.
kunwari kahapon ang ordinary lang ng way ng pakikipag-usap mo, tapos kinabukasan o kinatagalan, biglang sobrang iba na ang dating.
tapos onti-onti siyang mahuhulog, hindi niya napapansin. dadating sa point na masasanay siyang kausap ka hanggang sa hanap-hanapin ka.

pero ano nga ba 'yun sa part mo?
"ang hirap masanay sa taong hindi ka makasiguro kasi anytime pwedeng mawala."

nang dahil sa mga simpleng salita lang, napa-attach mo.
simpleng salita para sa'yo at sa part mo, kasi ikaw lang 'tong bitaw na bitaw.

pero para sa kaniya, nahuhulog siya onti-onti. syempre, dahil nga may dating at hindi niya maiwasang mabigyan ng meaning.
pero sabi nga nila:

"words should match up with your actions"

kung ano yung sinasabi mo, ganun din yung ginagawa at pinapakita mo.
kung sinabi mong:

"hindi kita iiwan", ipakita't patunayan mo 'yun.

hindi yung sinabi mo lang 'yun para makampante siya sa'yo at panghawakan niya.
"mahirap makampante sa taong hindi sigurado."

isipin mo naman yung kahihinatnan niya kinalaunan, kung sakaling hindi mo naman pala kayang panindigan.

ay kaya mo pala, wala ka lang pala talagang balak.
kung hindi pa naman kasi "sigurado" sa nararamdaman, 'wag mo munang bitawan ng mga salita.

kung nadadala ka lang sa pansamantalang kilig at saya, sana isipin mo rin kung magagawa mong magstay even at their worst.
baka malakas ka lang bumanat at magpakilig tapos onting problema lang kaharapin, iiwanan mo na.

para bang hindi ka nagsstay sa tao, nagsstay ka lang sa feeling.
huwag ganon. kung sincere ka talaga sa isang tao, iparamdam mong tunay 'yun nang walang pag-aalinlangan.
mahal mo pero hindi mo sure kung "hanggang" kailan.

oh wait mali pala, hindi mo sure kung "tuwing" kailan.

syempre ang "inconsistent" mo eh.
BAGO KA KASI MAGSABI NG BAGAY NA PANGHAHAWAKAN NG ISANG TAO, SIGURADUHIN MO MUNANG MALINAW 'YANG INTENSYON AT MOTIBO MO.

MAHAL MO PERO PALAGI BA? MAHAL MO PERO PAMINSAN-MINSAN LANG? WALANG GANON.
ANG LOVE HINDI 'YAN PASULPOT SULPOT, TULOY TULOY 'YAN, GRADUAL PA NGA KASI MAS LUMALALIM AS TIME GOES BY.

PERO HINDI 'YAN "MAHAL KO SIYA 'PAG MASAYA AKO", ANO 'YAN MOOD?
ANG PAGMAMAHAL HINDI 'YAN MOOD-BASED, HINDI 'YAN BUMABASE SA KUNG ANONG CONDITION MO, NA 'PAG LUMUNGKOT KA LANG, HINDI MO NA MAHAL O WALA KA NG PAKIALAM SA KANIYA.
Huwag na lang kasing magbigay ng motibo kung hindi ka pa sigurado at seryoso.

Huwag na lang magbigay motibo para lang mahulog sa'yo yung tao tapos hindi mo rin naman masasalo.
BAGO KA MAGBIGAY MOTIBO, SIGURADUHIN MO MUNA 'YANG NARARAMDAMAN MO, PARA WALA KANG MAAAPEKTUHAN NA TAO.
You can follow @delcarmen_jorel.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: