Opinion ko about that Kdrama Invasion vs Pinoy Teleserye

Alam niyo bakit di makapagproduce ng Out of the box and bago sa panlasang pilipinong teleserye ang mga networks? Kasi di naman sinusuportahan. That truth is everyone will still watch kabitserye rather than a Mystery themed
The reality is tayo aminado ako kasama ako. Kahit magbigay ng bago sa paningin nating show ang Isang network. Hindi mo parin naman papanoorin kasi gawang pinoy diba? Ano bang unang iniisip ng tao pag gawang pinoy? Cheap tapos baduy.
Ang nanonood lang talaga sakanila is ung masa
Eh ano bang kinakagat lagi ng masang teleserye? Eh diba ung mga cliche. Kaya di rin natin masisi ang mga producers kasi business un e. Kailangan nila kumita. Plus nabasa ko na ang laki pa ng tax nila at cost ng mga location. Kaya pinagsisiksikan lang nila budget nila
Unlike Kdrama, may support ang goverment nila kasi ang vision nila through this series mashoshowcase nila ung bansa nila (according sa article na nabasa ko) kasi magiging malaking boost din un sa tourism ng bansa unlike dito satin.
Kaya hindi naman tama siguro na isisi lang natin sa mga writers. Madaming factors kung bakit bagsak ang quality ibang mga series/movies natin. Isa na tayo sa rason kung bakit di rin tumataas ang antas ng industriyang to sa bansa natin
For example sa MMFF nalang Anong pelikula ang pumapatok? Di ko na kailangan sagutin yan kasi alam mo naman kung ano. Ako ang pattern ko pag ganyan isang pang "MASANG" film and "Out of the Box" Film or the quality based films and the actors based film
Un lang end of thread
You can follow @justgbrl.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: