Weeks ago, Ateneo. Ngayon naman, PLM. Mapapa-sana all ka na lang talaga đŸ„ș
Sana all universities and colleges kayang pakinggan ang hinaing ng kanilang mga estudyante at magdesisyon na magbigay ng PASSING MARK GRADE sa mga estudyante ngayong may pandemyang kinahaharap ang bansa.
Sana all kayang magbigay ng konsiderasyon lalo na sa mga estudyanteng walang kakayahang makapagpasa ng mga pinapagawa ng kanilang mga guro o propesor dahil sa umuwi sila sa kani-kanilang mga probinsya na may mahina o walang signal ng internet.
Sana all naiintindihan na hindi lahat ay may kakayahan.. na hindi lahat ay pare-pareho ng pribilehiyong tinatamasa.
Karamihan sa mga magulang ng mga estudyante ay hindi kayang makabili ng kompyuter o laptop para may magamit ang kanilang anak at makapag-avail ng plan para lang sa wifi pagkat sapat lang ang kanilang kinikita sa araw-araw na pangangailangan.
Karamihan ay nasa minimum o below minimum ang sinisweldo lalo na ang mga contractual. Kaya nga maraming scholarship programs ang bawat paaralan para matulungan ang mga kabataang kapos ngunit gustong makapagtapos ng pag-aaral para maiahon ang kanyang pamilya mula sa kahirapan.
Sana all alam na hindi lahat ng nag-aaral sa mga kilalang institusyon ng edukasyon ay may kaya o "privileged".
-end of thread-
You can follow @clnsnch015.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: