A JoshTin one shot AU

wherein Josh is in a long term relationship with Justin who NEVER keep his promise to anyone. But there's this one promise that is so important for Josh, will he be able to keep it?

@SB19Official #SB19
#SB19MENPA_Stell
Disclaimer:

- This is a work of fiction
- typos and grammatical errors ahead
- mapanaket? di ako sure
- enjoy reading ✨

@SB19Official #SB19
#SB19MENPA_Stell
JOSH'S POV

Kanina pa ko nandito sa restaurant kung saan namin napag-usapan ni Jah magcelebrate ng 2nd anniversary namin as couple. Its already 7:30PM at ang usapan namin na mag-meet dito sa resto ay 6:30.

Will he do it again?

@SB19Official #SB19
#SB19MENPA_Stell
- 1 hour later -

Wala padin si Jah. I keep on calling him pero hindi padin sya nasagot. Tangina kanina pa ko gutom. Nakakahiya nadin dito sa resto kasi binabalik-balikan na ko para tanungin orders ko pero wala akong masagot

@SB19Official #SB19
#SB19MENPA_Stell
Sa inis ko ay umalis ako ng resto at nagdrive pauwi ng condo. Fuck you, Justin. Hanggang kelan ba magiging ganito set-up natin ha? Hindi kaba napapagod? Tangina naman.

Binilisan ko nalang yung pagpapatakbo kasi gusto ko nalang umuwi.

@SB19Official #SB19
#SB19MENPA_Stell
Nakarating akong buhay sa condo namin. Pagpasok ko ng pinto ng room namin, nakita ko don si Justin. Nakahiga sa sofa habang nanunuod ng tv.

Wow. Walang nangyari? Casual day? Walang kasalanan? Wow.

@SB19Official #SB19
#SB19MENPA_Stell
Nagdabog akong pumasok ng room. Hinagis ko yung susi ng kotse sa lamesa. Yung gamit ko, binato ko sa sofa. Tangina, pagod akk galing work tapos di ako sisiputin? Bakit nga ba di pa ako nasanay? Sa loob ng 3 taon naming mag-bf, di na bago to

@SB19Official #SB19
#SB19MENPA_Stell
"Ano na namang problema mo Josh ha? Bat kaba nagdadabog?", bungad nya sakin.

"Justin, tangina. Nakuha mo pa magtanong kung anong problema? Kung bakit ako nagdadabog?", sigaw ko sa kanya.

"JUSTIN, HINDI KA NA NAMAN TUMUPAD SA USAPAN"

@SB19Official #SB19
#SB19MENPA_Stell
"Jah, anniversary natin yon. Nagpromise ka diba? Sabi mo pupunta ka. Sabi mo, "yes love, magcecelebrate tayo together this time", tangina yan. Nasan na yon? Sinipot mo ba ko? Hindi. Tapos ano? Ikaw pa may ganang magalit at magtaka ha?"

@SB19Official #SB19
#SB19MENPA_Stell
"Josh, nawala sa isip ko. Pumunta ako kina Stell kanina nung mga time na nandon ka. Nakapatay phone ko all the time kaya siguro di ko masagot tawag mo"

"Justin ang gago naman non. Di mo ko napuntahan pero sa iba, nakapunta ka? Wow nice".

@SB19Official #SB19
#SB19MENPA_Stell
"Parang hindi mo naman ako kilala, Josh. Alam mo naman kung anong dating ko dyan sa mga promise na yan e", pag explain nya pa.

"Yun nga, Jah e. Kilala na kita pero umaasa padin ako na baka ONE TIME, magbago ka. Baka next time, gawin mo na"

@SB19Official #SB19
#SB19MENPA_Stell
"Jah, bakit kasi pagdating sakin hindi mo padin magawang magbago? Hindi mo padin kayang baguhin yang pag uugali mong yan? Kasi Jah, tao lang din naman ako. Napapagod. Nasasaktan. Napupuno. Kung paulit ulit lang tong mangyayari, ewan ko na"

@SB19Official #SB19
#SB19MENPA_Stell
"Alam mo kung san ako nanggaling, Jah. Alam mo lahat ng mga pinagdaanan ko. Ikaw nalang yung natatanging meron ako. Pero kung ikaw nalang yung meron ako tapos gaganituhin mo pa ko, hindi ako magdadalawang isip bumitaw, Jah"

@SB19Official #SB19
#SB19MENPA_Stell
"Hindi ako mababaw Justin, alam mo yan. Pero napapagod din ako. Alam mong wala na yung nga magulang ko. Alam mong nanggaling ako sa napakasakit na relationship bago ka. Wala akong kapatid na makakasama. Jah, ikaw nalang"

@SB19Official #SB19
#SB19MENPA_Stell
"Can you make a promise na you will stay with me with the rest of your life?", tanong ko habang patuloy na umiiyak. Nasasaktan ako. Sobrang nasasaktan ako.

"Ayoko na, Josh"

Fuck.

@SB19Official #SB19
#SB19MENPA_Stell
"Ayoko ng maulit pa tong nangyari satin. Kaya Josh simula ngayon, promise ko sayo na hinding hindi na ko mag-dditch sa lahat ng promise ko sayo. Simula ngayon, lahat ng promise ko sayo, gagawin ko na. Lahat ng makapagpapasaya sayo, Josh"

@SB19Official #SB19
#SB19MENPA_Stell
"Ayoko ng umiyak kapa ulit ng ganiyan sa harap ko ng dahil sa kagaguhang ginagawa ko. Sobra na yung mga yon. Kaya ngayon, ako naman ang babawi sayo. Sorry Josh kung nasaktan kita ng ganon katagal ha? Hindi ko sinasadya yung mga yon"

@SB19Official #SB19
#SB19MENPA_Stell
"Kaya Josh, mas magjging better boyfriend ako para sayo. I'll be the best version of myself para sayo. Gusto mo irecord mo pa tong sasabihin ko para may proof ka kapag inulit ko ulit e?", sabi nya na nagpatawa sakin kahit papano.

Kinuha ko ang phone at nagrecord

@SB19Official
"Josh, starting from now, I'll do everything that I say. Hinding hindi na ko gagawa ng ikasasakit ng damdamin mo. I will now keep my promises for you to be happy again. Mahal kita, Josh. At ayokong mawala ka sakin", he said and then kissed me on my forehead.

@SB19Official #SB19
"Thank you, Jah. Sorry kung nasabi ko man yung mga nasabi ko kanina. Sumabog nalang din talaga kasi ako. Palagi nalang din kasi ganon yung nangya---" he stopped me by giving me a smack on my lips

"Tama na yan. Lets celebrate our 3rd anniv"

@SB19Official #SB19
#SB19MENPA_Stell
Sabi nya habang nakangiti sakin. Pasalamat ka mahal kita. Kasi kung hindi? Imposible yon. Sinong hindi magmamahal sa isang Justin De Dios?

Napakaswerte ko din kasi meron akong Justin ngayon. Kahit sinaktan nya ko, mas mangingibabaw padin ang pagmamahal ko sa kanya

@SB19Official
"Sige tara. Manuod nalang tayo movie", sabi ko tsaka ako tumabi sa kanya at sumandal sa balikat nya.

Kung mahal ka talaga ng tao, hindi mo sya pipiliting magbago. Sya mismo ang gagawa non para sayo. Para sa ikasasaya mo at ikasasaya nyo.

@SB19Official #SB19
#SB19MENPA_Stell
-end of thread-

Author's note:

Katulad ng sinabi ni Josh, ang taong nagmamahal ay handang magbago para sa taong mahal nya. Dun masusubukan kung gano kaimportante ang taong mahal nya para sa kanya, na handa syang gawin ang kahit ano, wag lang mawala ito +

@SB19Official #SB19
+ mahirap man o madali ang gagawin mong iyon, basta mahal mo ang isang tao, magagawa at magagawa mo yon.

Life is really problematic. Pero lagi nyong tatandaan na lahat ng problema ay may solusyon. Hindi man agaran, pero meron. Oki?

Thank u for reading this ♡♡

@SB19Official
You can follow @fanboytwts.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: