ang hirap magpretend sa taong gusto mo.

a thread;
ang hirap magpretend na wala kang gusto sa isang tao kahit na meron naman talaga.
yung tipong gusto mong umamin pero natatakot kang baka mawala o ma-lessen yung communication ninyo, yung closeness ninyo at hindi na kayo maging katulad ng dati.
alam mo yung stucked ka sa thought na:

"gusto ko ng umamin" at "natatakot ako sa posibleng mangyari"
yung gusto mong maglakas loob pero lagi kang naho-holdback ng takot at pangamba mo.
gusto mo ng umamin kasi gusto mo ng maging magaan yung pakiramdam mo pero natatakot kang baka pati friendship ninyo ay maapektuhan.
kaya hanggang panggap ka na lang muna.

sa tuwing kausap o kasama mo siya, nagpapanggap kang wala kang nararamdaman sa kaniya.
pinipilit mong hindi niya mahalata na may gusto ka kasi ayaw mong maging "awkward" at baka bigla siyang dumistansya 'pag nangyari 'yun.
alam mo yung gusto mo munang lumayo sa kaniya without letting him/her know?

kaso at the same time, hindi mo rin pala magawa kasi alam mong mamimiss mo.
kaso kung mananatili ka lang sa sitwasyon na 'yan, pakiramdam mo'y mas lalalim at baka sa susunod ay ma-out of control ka na sa magagawa mo.

baka bigla ka na lang mapaamin o madulas nang hindi mo napag-iisipan kasi nadala ka na sa nararamdaman mo eh.
parang kahit anong gawin mo, lumayo o manatili, parang may sakit na maidudulot.

kaya nagpapanggap ka na lang talaga hangga't nakakaya mo.
hintayin mo na lang na kusang mag-fade yung nararamdaman mo kung sakaling mangyari 'yun,

pero kung mas nahuhulog ka na? siguro nga kailangan mo na ring umamin kahit anong kalabasan.
wala eh, mahirap din namang sa araw-araw ninyong pag-uusap, nabubuhay ka sa pagpapanggap.

hindi mo ma-express ang tunay na ikaw, laging may pangamba.
kaya ang hirap magpretend na wala kang nararamdaman sa isang tao kahit na meron naman talaga.
You can follow @delcarmen_jorel.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: