Share ko lang experience ko last night

_-a thread-_
DISCLAIMER: Kakonyohan at grammar errors ahead. Libre lait hehe
Okay so usong uso nga sa fandom natin ang SB19 Redroom and kahit ako hooked na hooked din naman sa mga kaganapan dun at inis na inis kay master char 1/2. So yun nga po isa ako sa mga reader ng au na yun na gumawa ng fanmade trailer para dun. Ito resibo --
https://twitter.com/jaJAHlampagsayo/status/1250429650251087872?s=19
https://twitter.com/SB19REDROOM/status/1251750710934269952?s=19
So yun syempre kung gumagawa din kayo ng trailer baka makarelate din kayo sakin. Given kasi na mystery, medj. horror ang genre nung AU syempre ganung genre ng clips din Tsaka music paminsan ang ginagamit ko sa paggawa ng trailer.
Yung huli kong trailer na ginawa which nakapost sa YT may mga nag request sa akin na..."Ate gawan mo din sina Ken at Jah", "Ate yung ibang members din sana". Balak ko naman talaga sundan siya or gawan ko lahat ng members kaso nga lang medyo lumalim ata ang naabot ko sa YT
Hindi ako aware na nakakasama na pala sa mental health ko yung mga napapanuod at napaparinig ko. Nag-start Lang ako magsearch para sana humanap ng magandang song and nagtuloy tuloy na siya so I ended up sa mga creepy lullabies and satanic chuchu stuffs.
Binaliwala ko lang pero last night grabe yung anxiety na dala sakin nung mga nakita at narinig ko. Like mama shet hindi ako makatulog. I am crying for no reason and even hurting myself unconsciously. Yung feeling mo na andaming nakatingin sayo pero alam mong wala ka namang kasama
Yung feeling na may bumubulong sayo yet wala naman. Yung alam mong tinatakot mo lang ang sarili mo Pero di matigilan yung pag-iisip ng kung ano ano. So yun ang ginawa ko is nagpray ako actually yun naman talaga lagi kong ginagawa tuwing nakakaranas ako ng ganto.
So yes po opo, normal na sakin ang anxiety attacks kasi kapag nagcocoffee ako tapos madaling araw na ako tutulog yan madalas inaatake talaga ako. Sakin normal pero nandito nga ako shinishare Sa inyo ang kwento ko kasi baka yung iba sa inyo mahina para sa mga ganto.
Gusto ko sana pahalagahan niyo ang mental health niyo kasi sobrang mahirap magkaron ng problema sa mental health ng isang tao. Mahirap in a way na mismong sarili mo po ang kalaban mo dito. Kalaban mo mismo yung thoughts mo.
Pero don't get me wrong in posting this thread ha. Hindi ako nagpapaawa or what and most importantly I am not blaming sb19 RedRoom. Nandito lang talaga ako para itake ang opportunity na mashare ko to sa inyo at may matutunan kayo. Tsaka duh support ko pa din sila.
Yun nga ang advice ko lang kung same tayo ng experience hinay hinay tayo sa mga sinesearch natin. Internet is not a safe platform, nasasatin kung saan natin dadalhin ang sarili natin. Also, don't forget to pray and ask for His guidance always. Communicate with Him he will listen.
Lastly, don't drown yourself on things that are fictional. Girl, wake up ha! Naging wake up call ko din to sa sarili ko na 'huy self hinay hinay Sa gadgets'. Guys quarantine ngayon and it is the best time to spend time with your family. I'm sure yun din ang gusto ng boys.
So yun thank you sa pakikinig/pagbabasa Sa aking sinulid. Keep safe! Wash your hands! And pray! And para sa mga may mental health problem.

Don't talk to your old friend Ann-xiety.
You can follow @jaJAHlampagsayo.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: