having a selos is okay, being demanding is not.

a thread;
pwede naman kasing magselos.

mahalaga sa'yo at mahal mo yung tao eh.
oo, natatakot ka lang na baka "ipagpalit" ka o makahanap siya ng "mas better" sa'yo.
natatakot kang baka may makita siya sa ibang tao na wala sa'yo na maaaring magpabago o magpabawas ng pagtingin niya sa'yo.
pero huwag kang mag-demand.

huwag kang mag-demand na dapat sa'yo lang yung "oras", "atensyon" at "presensiya" niya.
huwag mo siyang tanggalan ng "karapatan" at alisan ng "kalayaan" na makausap o makasama yung ibang taong malapit sa kaniya.
"layuan mo siya, nagseselos ako."

"sino ba 'yun ha? bakit mo kinakausap? ang ganda/gwapo nun eh."

bakit? ikaw lang ba ang priority niya? may iba rin siyang taong gustong makasama at pinapahalagahan. ---
--- hindi lang sa'yo umiikot yung mundo niya, hindi lang ikaw ang dapat niyang paglaanan ng oras.
alam mo? sa kakaselos mo ng ganyan? ikaw pa ang makakasira ng relasyon o pagsasama ninyo.
dahil sa lagi mong pinapairal 'yang "pagseselos" at "pagkaka-insecure" mo, ikaw lang ang nagbibigay ng rason kung bakit ka niya posibleng iwan.
kasi kung talagang mahal ka niya, hindi mo hahayaang pairalin 'yang "hinala" o "pagdududa" mo kasi may tiwala ka sa kaniya.

natatakot kang magtiwala, oo, dahil siguro sa mga naranasan mo before o natatakot kang maranasan 'yun.
pero hahayaan mo ba na sa sobrang takot at pangamba mong 'yan, ikaw pa ang maging ugat ng iyong hiwalayan o walang pakiramdaman?
ganito kasi 'yun, tandaan mo 'to ah?

hindi porket jowa ka, entitled ka na sa buhay niya.
pwede namang "magbawal", 'wag lang masyadong "nakakasakal".

okay lang pagbawalan kung "mali" naman talaga.

pero kung ikaw lang naman nag-iisip na mali 'yun dahil sa masyado kang "selfish", putangina naman ng pag-iisip na 'yan.
magkaiba kasi yung "relationship" sa "dictatorship".

relasyon niyo 'yan, give and take, hindi yung puro ka utos at pagdidikta na akala mo boss ka niya.
magkaiba kasi yung "partnership" sa "ownership".

as partner kayo mag-function, umasta ka as partner, hindi yung inaangkin mo na para bang iyo lang 'yan.

mag-grow kayo "together", hindi yung puro ikaw lang ang nasusunod.
kasi alam mo? iba yung "pagmamahal" sa "sakal"

kung talagang mahal mo, hindi mo siya kinukulong o binabakod na makasama o makausap ng ibang tao.

huwag ka masyadong makasarili, ok? KNOW YOUR LIMITS.
You can follow @delcarmen_jorel.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: