Paano nga ba ako kila Ate Viy and Kuya Cong

A thread
Nung 1991 mayroong isinilang sa Quezon City na nag ngangalang Angel Amaqui (hindi niya tunay na pangalan)
Mali pala tweet ko sa simula ngayon ko lang napansin 😅 dapat "Paano ako napdpad Kila Kuya Cong at Ate Viy" yun eh wiw
Fast Forward sa grade 4 ako
May nangyaring hindi maganda, pumanaw si Mama dahil sa sakit sa bato. Sabi ng tita ko sobrang hilig niya daw kasi sa maaalat kaya dun niya nakuha yung sakit.
Then fast forward ulit nung grumaduate ako ng 2nd Year ComSci tumira ako sa condo ng Ate ko (Pinsan) (btw wala ako kapatid) sa may Novaliches.
Kaya pala ako tumira sa pinsan ko para dun ako maghanap ng work, but sadly dahil sa boses ko, sobrang hirap ako makakuha ng work, kahit janitor di ako makapasok.
Pero may mga napasukan naman akong work like Master Siomai,taga deliver ng laundry,taga hugas ng pinggan,then nagbuhat din ako ng mga gallon sa waterstation and nagbantay ng computer shop for 3 years ☺️
Then one day habang nagbabantay ako ng computer shop, nakita ko video ni Kuya Cong sa facebook yung sampung utos ng anime 🤣
Simula nun sinearch ko na siya sa youtube hanggang sa naadik ako. Yung tipong kahit 20 pesos lang sahod ko sa isang araw nun ginaganahan ako magbantay
Then nagsearch ako sa Facebook ng group ni Kuya Cong then nakita ko yung CFG group sumali ako dun, tapos panay lapag ko ng memes sa group 🤣 Then napansin ng Head Admin ng group na si "K" then pinasok niya ako sa gc
Then ayun nung tumagal ako sa group naging Admin din ako, then nung sumunod na mga taon biglang nagpost si Kuya Cong ng Editors Challenge. Then dun ako nagkaidea na pwede pala makapasok sa kanila pag magaling mag edit
Then yun nagpractice ako mag edit sa phone, nga lang. Tumagal tagal may kaibigan akong gusto maging vlogger then ak onag edit sa kanya gamit phone
Then one day habang tulog ako, bigla nag hanap si Ate Viy ng mag eedit ng isang vlog niya kasi busy pala si Ate Yunis nung time na yun eh kailangan maiupload na. Bigla siya nagchat sa gc ng mga admin and mods ng CFG
Pag gising ko daming nakamention sakin, Yun pala ako nirecommend ng mga kaibigan kong admin kay Ate Viy. Nung nabasa ko yun daki ko agad chinat si Ate Viy para itanong kung naghahanap pa siya ☺️
Then boom pinapunta niya ako sa Chongdo ☺️
Nung time na yan wala akong alam mag edit sa PC so talagang lakas loob lang ginawa ko, Dala ko laptop ng kaibigan ko inopen ko premiere pro pati google chrome sabay search "How to import videos in premiere pro" "Shortcut keys of Premiere Pro" etc. Hahaha
Btw nung pagpunta ko pala sa Chongdo edi pumasok na ako sa unit nila. Boom si Kuya Cong may hawak ng vacuum cleaner then bigla ako tinanong kung ako yung mag eedit kay Ate Viy, Then tumango lang ako tapos tinawag niya si Ate Viy.
Eh may inaayos si Ate Viy, Sabi ni Kuya Cong upo daw muna ako, Then pag upo ko mga 5mins nilapitan ni Kuya Cong biglang sabi "Cong nga pala" sabay kinamayan ako 😆
Then bigla dumating si Cidge (head admin ni Ate Viy na kaibigan ko) para samahan ako kasi alam niya mahiyain ako. Then bigla lumabas si Ate Viy sa kwarto nagpakilala din then binigay niya na yung videos. Then inedit ko ng 4 hours i think.
Nagulat si Ate Viy kasi natapos ko agad, Then nung pinanood niya kabado ako kasi feeling ko pangit edit ko, Then nakita ko natawa siya. Then ayun nagtuloy tuloy na hanggang sa kinuha niya talaga akong 2nd Editor niya 😆. The End na ang thread. Yey
You can follow @gelieyz06.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: