I just want to share our experience last day (April 14,2020). My brother is a Leukemia patient (CLM case) since he was 11 years old.
While nasa work ako nakaduty, tumawag ang mama ko sakin na kailangan nila dalhin sa hospital kapatid ko kasi nahihilo at namumutla siya. Since wala yung tinatake nya na maintenance na medicine nya kasi naubos na at di sya agad nabibili kung saan saan which is sa Quezon City pa.
First hospital, (here in LP) chineck ang kapatid ko dahil nagmakaawa na ang mama ko kasi dahil sa urgent case nya nag CBC sila at hinintay ang result. Pagkalabas ng result lumabas na 2.2 nalang ang hemoglobin nya which is very alarming and urgent na salinan ng dugo.
Panatag ang loob namin na tatanggapin sya kasi nga chineck nila ang kapatid ko pero hindi padin nila tinanggap sa kung anong punyetang rason. Ginawa na ng mama ko ang lahat ng pagmamakaawa pero wala padin di padin tinanggap. Kesa maghintay sila ng matagal don naghanap ng iba.
Inikot na kahit saang hospital pero wala pading tumanggap, We searched for almost 5 hospital. Pero walang tumanggap. And nag decide na umuwi muna dahil nahihilo na kakabyahe ang kapatid ko. Pag uwi namin, kanya kanya kaming search ng ibat ibang hospital na pwedeng puntahan.
Minessage namin isa isa pero they have same responses. Bigo nanaman, nakatulog ang kapatid ko dahil sa pagod. Around 6pm nakahanap naman kami at pinuntahan naman namin. This time ang laki ng hope namin na tatanggapin na pero..
Hindi padin tinanggap for some reason, nakakasukang reason. Pinasan kami sa ibang hospital which is sa Quezon City imagine bbyahe kami from LP to Quezon sa gantong alarming case. After ng usap umalis ulit kami at cinontact ang isang hospital sa Maynila and we talked to one doctor
Thanks God dahil alam namin na may sure na pupuntahan na kami. Pero dumaan muna kami sa barangay namin kasi we need to use the ambulance for our transpo kasi kailangan makabyahe agad. We waited for so long, until may nahanap din na driver.
Bumyahe kami pa Maynila at nakaratin ng safe. Chineck ulit ang kapatid ko para alam nila ang gagawin but that time nilagnat na yung kapatid ko means sobrang baba na talaga ng dugo nya. Nag wait ulit kami sa labas hanggat sa pinasa nanaman sa isang hospital na sure na sure.
That was 12mn at walang transpo dahil umalis na ang nagmamadaling driver ng barangay. Thanks God napakabuti ng tao at mga authorities sa Manila at pinasakay kami sa public transpo nila. Bumyahe kami ng napakabilis at nakarating ulit ng safe.
Pagkarating sa hospital na yun, sinwerohan nila agad ang kapatid ko kasi nakita na nila ang kalagayan and it was 12mn na din. Napakabuti ng mga doctor sa PGH sobra. Inasikaso nila agad kapatid ko ng walang pag- aalinlangan.
That time sobrang nakahinga kami ng maluwag at napanatag kahit papaano. Kasi alam naming maaalagaan sya at matitignan.
I'm doing this thread just to share our experience. Sa mga hospital na tinanggihan kami dahil sa mga nakakasukang reason nyo God bless padin sainyo and sa mga authorities na napaka kupal ng mga action God bless din.
I just want to express my GRATITUDE sa mga taong nag ppm a nagpapalakas ng loob namin. And sa mga Authorities ng Maynila sobrang solid nyo po
Ngayon nasalinan na sya ng dugo and medyo lumalakas na din sya 40 na din ang hemoglobin nya.

That day, nasa point na kami na gugive up pero habang nakikita namin kapatid ko na lumalaban lumalakas ang loob namin. Sobrang salamat PANGINOON sa pag gabay at pagpapalakas sa kapatid ko araw araw. Naniniwala po ako sainyo!

Sobrang bait ni Lord guys! Sobrang nakakapanghina man ang naranasan namin nang araw na yan hindi nya kami hinayaan na sumuko instead He pushes us to Fight! Sobrang salamat sa lahat ng prayers nyo! Patuloy po tayong manalangin at manalig Sakanya
