My life during this pandemic

Araw araw gumigising tayo ng may takot at pangamba. Bawat pagkilos sa labas ng bahay at pakikihalubilo ating nililimitahan.
Mahigit isang buwan na rin simula ng ipatupad ng ating mahal na pangulo ang enhance community quarantine sa buong luzon at hanggang sa ianunsyo ang total lockdown sa lungsod ng maynila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng taong may kaso ng covid 19.
Bilang mamamayan at paghahanda nagkaroon ng curfew sa aming lugar na kung saan mahigpit na ipinapatipad na mula alas otso mg umaga hanggang alas singko ay maaaring ang mga tindahan ay sarado na at ipinagbabawal ng lumabas sa subdibisyong iyong tinitirahan.
Nagpapasalamat kaming mga pamilya dito na kung saan ay nabigyan na ng tulong mula sa aming lungsod nakatanggap kamin ng bigas,dilata at kape. Bilang pag iingat inilista ang mga maaaring lumabas ng subdivision at yun ay ang aming magulang lamang.
Inuugali naming magsuot ng mask kung kami& #39;y lalabas ng bahay kung ang isa saamin at inaatasang bumili sa tindahan at ang hindi pagkalimot sa ipinatupad na “social distancing” at pagkatapos nito ay agad naming nilalabahan ang aming ginamit na mask bilang pag iingat.
Bilang isang panganay na anak ay tumutulong ako sa aking magulang sa gawaing bahay katulad na lamang ng paghuhugas ng pinggan at paglilinis ng bahay at kung minsan ay ako ang nagluluto ng aming tanghalian. Yun lamang po
Ang aking mensahe naman ay palagi po tayong mag iingat at manatili lamang sa ating mga tirahan kung hindi naman kinakailangang lumabas ng bahay. Ugaliing maghugas ng kamay at sumunod sa mga patakarang ipinatutupad. Nagpapasalamat din po ako sa mga taong handang tumulong
Lalo na ang ating mga doctor at frontliners na handang tumulong at nagsasakripisyo at sa mga taong handang tumulong lalo na panahon ngayon maraming salamat po. Higit sa lahat huwag nating kakalimutang magtiwala sa Diyos at magdasal lalo na mga nangyayari sa panahon ngayon. https://abs.twimg.com/emoji/v2/... draggable="false" alt="🙂" title="Slightly smiling face" aria-label="Emoji: Slightly smiling face">https://abs.twimg.com/emoji/v2/... draggable="false" alt="🙏" title="Folded hands" aria-label="Emoji: Folded hands">
Huwag po sana tayong tumigil na magdasal at magtiwala sa Diyos dahil matatapos din ang mga paghihirap na nararanasan natin ngayon
You can follow @brszslx_.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: