GUSTONG-GUSTO KITA EH, PERO TAMA NA MUNA SIGURO 
---> A thread

---> A thread
ang hirap mo namang gustuhin, ang hirap mo namang abutin.
hindi ko alam kung ako ba yung kulang o may kulang pa ba sa'yo para maging ganito tayo.
inaayos ko na lahat eh, naghihintay nalang ako ng perfect timing tas ito na yun eh.
pero bakit gano'n? ilang beses ko naman sinubukan, sinusubukan ko namang gawin lahat.
wala naman akong ibang ginawa kundi iparamdam sa'yo na gusto kita, na ikaw lang talaga, na kahit ikaw lang kuntento ako.
naghintay? medyo, parang, siguro. hinayaan ko silang lahat kasi pakiramdam ko sila naman talaga yung gusto mo.
kaso hindi eh, bakit ba kasi?! bakit ba kailangang iparamdam mo pa sa'kin na pareho tayo ng nararamdaman?
bakit hinayaan mong lumalim pa 'to? kung in the first place hindi din pala aabot sa dulo?
kung tutuusin kasalanan ko naman talaga lahat eh, inako kita, inangkin kita, inakala ko na akin ka talaga.
ayoko na yata. masyadong masakit yung nakaraan ko para sumagal ulit sa sitwasyong "hindi sigurado"
tigilan ko na muna siguro 'tong nararamdaman ko, tama na siguro muna yung apat na buwan na "parang meron at parang wala"
baka nga nag-iilusyon lang ako eh tapos sinasakyan mo lang yung trip ko.
pero kung sabagay, ako naman gumusto nito eh.
hindi naman kita masisisi at hindi kita sisisihin kasi responsibilidad ko naman 'tong nararamdaman ko.
akala ko maaabot ko na yung pinangarap ko, akala ko lang pala 'yon.
ang sakit kasi wala na namang paalam, naiwan na naman akong nakalutang.
pero nakaya ko na 'to dati kaya dapat mas kayanin ko na 'to ngayon.
hindi naman na bago sa'kin pero bakit kung umasta ako parang hindi pa ako sanay?
palayain ko na muna siguro 'tong nakakulong dito, gusto na yatang kumawala eh.
kaso hindi man lang nakapagsabi kahit sinabihan ko kailan lang na sana pag umayaw sya, malaman ko.
hindi ito ang paalam, pagod lang ako kaya magpapahinga muna ako.
tuloy ang ikot ng mundo!
-end of thread? no, to be continued- :}