SI ULTIMATE CRUSH KO NA NAGING POSER:

a thread:
Share ko lang naging experience ko noong college ako kung paano pinaglaruan ng ultimate crush ko ang feelings ko.

Pero okay na kami now. I chose to forgive but I WILL NEVER FORGET.
Nagsimula ang lahat dito when a guy named Devon sent me a like emoji. (Basta talaga may guy nagchat sa aken, bumibilis tibok ng puso ko, MARUPOK in short)
Sabihan ba naman ako na nakita nya daw ako somewhere na may madaming chiks (barkada ko puro babae, 4 sila) bigla akong nacurious pero di ko na masyadong pinansin.
Fast forward.

Nagtuloy2 ang convo namin. I even asked him kung saan sya nagaaral, nakatira and I even stalked him and it seemed legit. Syempre nanigurado ako na hindi siya poser. Kasi dai mahirap na.
To the point na, I wanted to be honest with him. Pinagtapat ko na bi ako and sinabi ko na okay lang na iend pakikipagusap saken and I would understand. Pero, HINDI! Tinanggap niyo ako saying madami naman siyang kaibigang tulad ko.
Pagkabasa ko ng reply niya, shet bigla akong natuwa, as in bumilis tibok ng puso ko. Yung feeling na first time mong magkaron ng kachat na straight na lalaki na tanggap ka.
Forward ulit.

Nagtuloy2 ang convo. I felt comfortable talking to him and so he was,maybe. At this point, hindi na talaga sumagi sa isip ko na poser siya.
Basta ang saya2 ko lang pagmagkachat kami to the point na parang nafafall na ako sa kanya. Marupok nga kasi. (Siguro sa the way sya makipagchat saken dun ako naattract, marespeto)
Until one day, habang naguusap kami. He called me by the name my friends would usually call me (not, in short for anot). Doon na talaga ako nagtaka kasi never ko nabanggit sa kanya ang tungkol sa nickname ko na ganun.I
I asked him kung piniplaytime niya ako he only answered, BASTA KILALA MO AKO. Putaaaaa! Doon ko na narealize na nabiktime ako ng poser! Biglang bumilis tibok ng puso ko sa galit at inis.
I wanted him to take a selfie para lang sure niloloko niya ba talaga ako or hindi (Gorl, sa pagtawag niya pa lang ng NOT sayo, you would already know) but he refused telling me na my class pa siya. I even wanted to meet him.
He then agreed to meet me telling me where. It was the name of one of the buildings where I was studying. Biglang pumasok saken ang pangalan ng crush ko (same university kami nagaaral different course).
And BOOM! Siya nga. NILOKO AKO NG ULTIMATE CRUSH KO NUNG HIGHSCOOL. He even asked me na if di daw ba halata na poser? Gamit nya daw cp ng kaibigan niya with matching HAHAHAHA pa. Puro puta na lang sinabi ko. Nasaktan talaga ako. As in. Sobrang sakit
Imagine, CRUSH KO PA TALAGA. Hindi ko mawari kung bakit niya ginawa to. Maybe because alam niya weakness ko pagdating sa boys. Hindi ko alam.
Nung naishare ko to sa mga kaibigan ko and ofcourse galit sila and when they asked him bakit niya ginawa. TRIP LANG DAW. Shutaaa pinagtripan ako.
Ang sakit2 para sakin na malaman na ang pinaglaruan ng taong mahal ko ang nararamdaman ko. Ano kaya ang reaksyon nyo noon habang nagchachat sya saken? Malamang pinagtatawanan nila ako ng barkada niya.
Well, it took how many months bago maghilom ang sugat. Hindi ko siya pinansin. Natakot na rin ako maginvest ng feelings.
Until narealize ko na, it's time to forgive him pero magkakalamat na ang pakikitungo ko sa kanya. Pinatawad ko siya pero hindi ko kinalimutan ang ginawa niya.
Lesson is: Matuto tayong respetuhin ang nararamdaman ng ninuman lalo na sa pagibig.

END OF THREAD
You can follow @carbonferrero3.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: