"Hintay lang mahal..."
Naranasan mo na bang magmahal?
Mahalin... yung hindi panandalian lang ha, dun tayo sa nagtatagal.

Ilang beses ka na bang nasaktan?
Tila takot ka ng sumugal dahil sa nakaraan.

Kailan ka pa magiging handa?
Kahit alam mo sa sarili mong ikaw ay jowang-jowa.
Yan ay ilan lamang sa mga tanong ko sa sarili ko,
Sa tuwing may taong kumakatok sa aking puso,
Yung emosyon kong naghahalo-halo,
Nakakabaliw, nakakatuliro, sobrang nakakahilo.
Alam ko naman sa sarili kong handa nako,
Pero dala ng nakara'ay di mapipigilan ang pagdadalawang isip ko,
Daming bumabagabag pag pinadama mo ng ika'y seryoso,
Handa na nga ba kong sumugal muli sa pag-ibig na ito?
Uhaw na sa pagmamahal kaya naman sobrang naiinip,
Pero "Iiwan ka din nyan..." yan ang aking panaginip,
Aatake pa ang labis labis na pagiisip,
Yung tao tuloy na handa na para sayo biglang naglalaho sa isang ihip.
Kung ganito lagi ang eksena,
Aba! paano na yung pinangarap kong storya?
Hanggang nood nalang ba ko ng mga paborito kong teleserya,
At kikigiligin sa mga eksenang dapat ako ang bida.

Aba teka! Teka lang naman mahal...
Hinahanda ko lang naman yung sarili ko,
Wag naman sanang ika'y agad lumayo,
Ako lang naman ay naninigurado,
Wag naman sanang ikaw ay sumuko.
Sadyang ang pag-ibig ay mapaglaro,
Wag nating madaliin ang emosyong bumubugso,
Baka dala lamang ito sa nakikita ng iyong mata,
Pero kasi... sa pagmamahal dapat hayaan natin ang puso ang makadama.

Sandali lang mahal...
Dahil nandyan ka na at nakikita kong seryoso ka,
Wag kang magalala susuklian ko yan ng sobra-sobra,
Gusto nakita,
At di ko namang hahayaan mawala pa.

Hintay lang mahal...
Balang araw magiging tayo na,
Gabi-gabi ay yayakapin ka,
Araw-araw ay susulitin ang romansa,
Pangakong habang buhay ay magsasama.

Naghihintay,
MAHAL.
You can follow @tenteniX1.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: