Kapag nahihirapan ka magmove on mula sa isang taong mahal mo o sa isang pagkakamali mo man sa nakaraan, ito lang ang masasabi ko.
Admit it. Kung talagang nagkulang o nagkamali ka, maging totoo ka mismo sa sarili mo. Huwag mong lokohin sarili mo.
Accept the truth. "Truth hurts" sabi nga nila. Tanggapin mo yung katotohanan kung nagkamali ka man talaga. Tandaan mo, ikaw ang unang makatatanggap sa sarili mo.
Forgive yourself. Hindi pa end of the world para mawalan ka ng gana sa sarili at buhay mo. Forgive yourself like how God forgives you kahit paulit ulit ka nagkakamali
Embrace your past. Tandaan mo, your past has made you who you are today. Huwag ka na mag-regret.
Forgive the person. Meron at meron kang mabigat na loob sa kaniya, hindi mo yun maikakaila. Minsan masakit man at tila hindi kapatapatawad, pero kaya mo yan! Hindi agaran ang paghilom. Huwag mong mamadaliin. Take your time until you& #39;re totally healed.
Move on. Bumangon ka at magpatuloy. Kalimutan mo yung dinulot na sakit. Pawiin mo kasama ang matatamis na ngiti at nag-uumapaw na katapangan. Magdasal ka na lagi kang gabayan ni Lord.
But do not forget its purpose. May dahilan bakit nangyari ang lahat. Hindi lang mga alaala ang iniwang bakas kundi pati gintong aral na magagamit mong sandata sa iyong lakbayin sa buhay.
Huwag mong ikukulong ang sarili mo diyan habambuhay. Magpakawala ka. Palayain mo ang sarili mo kung alam mong kaya mo na. You deserve the best in this wonderful life. "The best" that the person who caused you shattering pain has failed to bring in your life.
Hangga& #39;t dumating ang araw at sasabihin mo nang may buong tapang, "Heto na ako!" Hindi man siguro ngayon ngunit balang-araw baka magpasalamat ka pa sa Diyos at sa taong yun dahil sa malaking nai-ambag nito sa buhay at pagkatao mo.
At kapag malaya ka na sa lahat, baka mangitian mo na rin siya pag makasalubong mo. O malay mo baka maging kaibigan mo pa siya. Wala namang mali roon kapag ganon ang nangyari. Maaari rin namang hanggang tango lang talaga sa kaniya ang kaya. Depende sa tao.
Basta ang mahalaga sa ngayon, maghilom ka. Maging masaya ka, at piliin mong maging masaya. At the end of the day, ikaw lang tutulong sa sarili mo.
Tandaan mo, maraming nagmamahal sa& #39;yo. Hindi nagsakripisyo ang Diyos para malugmok ka sa kalungkutan. At hindi ka pinalaki at inaruga ng mga magulang mo para saktan lang. :)
Just a thought.
& #39;Yan ang linalagay ko sa isip ko, and that& #39;s my perspective which may be different from others.
& #39;Yan ang linalagay ko sa isip ko, and that& #39;s my perspective which may be different from others.
This thread is not only about boy/girlfriend relationships but in general. Para sa mga kaibigan kong may pinagdadaanan diyan, mahal ko kayo& #39;t mahal tayo ng Lord.
https://abs.twimg.com/emoji/v2/... draggable="false" alt="đź’•" title="Two hearts" aria-label="Emoji: Two hearts">