Kaya mahal na mahal ng OFWs si Duterte kc nakikita nila ung disiplina sa ibang bansa na sumusunod sa gobyerno.
Kung ang gobyerno ng Pilipinas sinusunod ang batas; walang padrino, walang kurapsyon, full social services, at tapat, e di ang sarap maging Pilipino.
1/n
Sino ba ang may gusto na ganito tayo?
E ang sistema sinanay nyo na may palakasan system, at ang gobyerno mismo hindi sinusunod ang batas, pinapayaman ang mga kaalyado, nilulublob sa utang ang bansa pero pinaghahati hatian lang ang pera ng bayan, saan ka pa?
2/n
Bago kayo magsalita na dapat talaga, kamay na bakal sa Pilipinas: lahat ba ng tao dito nakapag-aral? May kalidad ba ang edukasyon sa public? May kalidad ang social welfare? Ang health? Di ba wala? Paano mo tuturuan ng mabuting asal ang anak mo kung sa estero ka nakatira?
3/n
May maayos na pabahay ba ang gobyerno? May magagandang inprastraktura? May ngipin ba ang batas? O pagtawag ni Mayor o ni Presidente, papakawalan na lang kahit huling huli nang pumatay?
4/n
Kaya nga kayo anjan, dahil ung kikitain nyo ng 1 taon dito, 1 buwan nyo lang kikitain jan. Kc nga MAGNANAKAW ANG MGA NASA GOBYERNO.
Ano ang pinagkaiba ni PDuts? Di ba wala?
Kaya nga hanggang ngayon, NAGPAPAKAMATAY KAYO NA TUMIRA SA IBANG BANSA.
5/n
Takot na takot kayo umuwi. Hirap na hirap na si Tatay Digong, pero ung mga opisyal nya mga tanga. Natatakot kayo maghirap. Mag-iipon muna kayo sa ibang bansa na mas malaki ang pasweldo. Hindi kayo uuwi hanggat di endo o retirement kc mahirap na.
6/n
Dahil walang pagbabago ang Pilipinas. Tamad at tanga ang mga tao. Walang disiplina. Kahit sino ang mamuno jan hanggat walang disiplina ang Pilipino, walang asenso.
Lahat ng sisi, nasa mamamayan. Pero sino ang nasa kapangyarihan? Ilang taon na, PERO DI NYO MASISI?
7/n
Pairalin ang kamay na bakal kung ang gobyerno kayang BUHAYIN ANG KANYANG MAMAMAYAN. At KAYANG SUNDIN ANG BATAS NG BANSA NANG WALANG PADRINO.
SAKA KA MAGHANAP NG DISIPLINA.
Alamin nyo ang taxes sa ibang bansa. 40% pero ang basic services, lalo na pagkain ng bata, LIBRE.
8/n
Pag-aralan nyo ang kaibahan ng gobyerno ng Pilipinas at yang mga bansa na kinalalagyan nyo. Mga serbisyo. Mula sa mga cities hanggang sa suburban o county. Bago kayo magsalita. Ang disiplina ay katulad ng paggalang; kusang ibinibigay. HINDI IDINIDIKTA.
9/n
Gigil nyo ako.
You can follow @speaksnow8.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: