Extend o Pasa na lang? Nung una extend talaga. Kaso nagbasa basa ako. Kaya siguro pasa na lang.
Eto yung ilang pinagbasehan ko
Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire on Monday, April 13, said that the coronavirus pandemic in the country might last until January 2021 if no intervention is done.
"Ang atin pong mga estimation ay galing sa ating mga scientists, sa mga mathematicians... Worst case scenario, base po sa kanilang pag-aaral ay next year po ng January... Ito po ay mangyayari kung wala tayong gagawin na intervention,"
3rd world country tayo. Hindi tayo gano’n kalakas, lalo na sa ugali ng mga pinoy. Ang bilis tumaas ng cases. Despite naglockdown na Metro Manila at Calabarzon
How much more sa mga susunod na araw at buwan? Sa ASEAN statistics. Pinas na ang may pinakamataas na case. As of April 13, 2020
PH 4,932 Malaysia 4,817. Pero ang recovered lang 282 unlike Malaysia 2,276.
According to Vergeire, vaccines for the coronavirus being developed by other countries would take about 6 to 12 months or even 1 and 1/2 years to be ready for commercial use.
Yes, sayang ung matutunan kung di extend lalo’t engineering. Nakakahiya din pinasa dahil sa Pandemic na ‘to. Pero ‘di ibig sabihin nun magiging mangmang ka sa course mo.
Mayroon pa naman tayong 2 years. Kung ikaw talaga gusto mo matuto. Matututo ka. Hindi lahat ng bagay natutunan natin sa school.
Pasa na lang dahil sa Pandemic. Imagine, 2021 na. 2nd year ka pa din. 3rd year na lang ako, pag igihan ko na lang sa mga susunod na taon.
Masarap pa rin sanang mag-aral ng specialization sa course mo. Kaso mo tinamaan tayo ng Pandemic na ‘to. Opinion ko lang ‘to. Hindi ko binabago yung pananaw ng iba.
Yep. Hindi naman paunahan grumaduate sa pag-aaral. Take your time in terms of study. Pero hindi lahat kaya matustusan ang pag aaral habang tumatagal.
Katulad ko, hindi naman kami mayaman. Oo free tuition. Pero yung allowance? Gastos sa mga project? Thesis?
Nanay na lang ang meron ako. Ofw. 4 years na syang nangingibang bansa. Tinitiis mawalay para lang may pantustos. Mas okay sana kung maaga syang makapagpahinga para ako naman.
Makapagpahinga sa trabaho, at ako naman ang gagawa ng paraan pagka graduate ko.
Ayun, hindi porke hindi mo natapos ung ilang subject mo this sem. Hindi ka na makakakuha ng maayos na trabaho at magiging limitado ang kaalaman mo.
Feel free to tweet your opinions about this thread 😊
You can follow @ennaesorx.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: