Makasabi ng National ID akala mo naman may infrastructure to sustain it. May IT infra ba tayo? Anong balak niyong gawin diyan, paper records? May maayos bang medium for coordination ang iba't-ibang sector na magiging involve? Eh yung mga government website nga walang kwenta e.
Yung mga COMELEC records nga nananakaw pa e. Kingina tapos i-cecentralize niyo pa yung data namin? Hanep na yan. Improve niyo muna yung IT infra bago kayo magsabi ng mga ganyan. Dahil sa estado ng sistema ngayon parang sinuko na rin natin yung personal info natin ng basta-basta.
Tangina niyo yung pamatrix nga ng Malacanang dati, naka-cartolina. Kingina niyo ang laki-laki ng intel funds niyo wala man lang kayong kahit PowerPoint. Jusko. Tapos you expect me to believe na may capability kayong protektahan yung personal info namin?
Katulad ng mga health workers natin, ibang bansa ang nakikinabang sa talento ng mga nasa IT sector. Paano, yung mismong gobyerno hindi alam ang importansya ng IT sector para sa isang developing country. Puta puro kickback lang ang alam ng mga hayop kaya hindi makabuo ng infra.
Naghahanap lang ng palusot si Duterte kung bakit hindi nabigyan lahat ng tulong na pera. Ituturo pa sa iba ang kakulangan ng gobyerno niya imbis na tumanggap ng accountability. Yung mga DDS naman, todo echo ng mga pinagsasabi niya na parang impromptu lang naisip.