Para sa Uuwian x Natagpuan" nina Jihad Mambuay & Jezz Hermano.

ft. Vice and Ion

short thread para sa'yo @vicegandako
At ang dati kong takot
ngayon ay naglaho
sa tuwing ika'y pagmamasdan
at ang dating pangarap
na di inakala
sa'yo ko lang natagpuan
Heto ang mga liriko ng pag-ibig na minsang inabandona.

Inakalang walang pagtutugmaan pero salamat sa himig na iyong dala.
Masaya akong sa tagal nating naglalakbay, mabubuo na ang ating kanta.

Sa wakas ay nandito na tayo
Di alintana ang lalim ng dagat,
basta't kasama ka.

Magpalutang-lutang man, basta't iyong kamay ang tangan,
wala akong ikinakakaba.
Wala nang takot para sa matataas na lugar, dahil palagay ako sa tapang na ibinibigay mo.

Nandito na ako sa bahagi ng buhay kung kailan nahanap ko na ang aking sentro.
Nilubayan na ako ng lumbay,
Natutunan kong kaibiganin ang aking mga demonyo
Sabik na ako sa mga bago nating kwento. Kalasag sa kaliwang kamay, sa kabila'y tangan ang iyo.
Sinta, tinatawag na tayo ng kanta
Halika,
Isasayaw kita.
Ito ang pinakapaborito kong piyesa na tungkol sa pag-ibig. Itinanghal nina Jihad Mambuhay at Jezz Hermano sa words anonymous ph. Pangarap ko noon ang makahanap ng taong pag-aalayan ko ng isang ito, ngunit marahil, nahanap ko na ang pinakaakmang paksa.
Mayroon akong mga ilang litrato rito na nakuha ko rin dito sa twitter. Nga lamang, ang natatandaan ko na lamang na pinagkunan ko ay sina

@ViFeelings
@rosyvicey
@blissfulvice

ctto, pasensya na kung may hindi ako nabanggit :((
Panghuli, ginawa ko ang thread na ito dahil bukod sa bored ako eh hindi naman ako marunong mag-edit ng video kaya't ginawan ko na lang ng thread HAHA
You can follow @seryengkahel.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: