Ruined by the Pandemic
[a one shot story]
; a thread
[a one shot story]
; a thread
Ps: This one shot story is just a product of my imagination and it os not based on a real event nor a real person.
The story starts now...
The story starts now...
"Baby... Malapit ka ng lumabas dyan. Konting tiis na lang dyan sa loob ng tyan ng mama mo, anak. Masasaksihan mo na ang mundo. Makakasama mo na kami ng mama mo." wari ko habang nakangiti at hinihipo ang tiyan ng misis kong nagdadalang-tao.
Ilang linggo na kaming tigil sa bahay naming ito dahil sa virus na kumakalat ngayon sa mundo. Lumalabas lamang ako kapag may kailangan kami at mahigpit kong pino-protektahan ang mag-ina ko.
Kabuwanan na ng asawa ko sa pagbubuntis niya sa anak naming dalawa. Anytime ay pwede na siyang dumaing na sumasakit ang tiyan niya pero ang problema ay kung saan kaming ospital pupunta gayong karamihan sa mga ospital ay naglalaman ng mga taong infected ng Novel Coronavirus.
Sa gitna ng pag-iisip ko ay nardaman kong may gumalaw sa pagkakahawak ko sa tiuyan ng asawa ko. "Hon, sumipa si baby!" sabik kong sabi at ngumiti at tumago-tango naman siya sa sinabi ko.
Inilapat ko ang tenga ko sa tiyan niya at pilit ponakikinggan ang munting tinig ng unang anak naming dalawa. Pinikit ko ang mata ko at saka 'yon hinalikan ng biglang marinig ko ang impit na daing ng asawa ko.
"Ugh! H-hon! A-a-aray ko! H-hon ang sakit ng t-tiyan ko! M-manganganak na ata ako!" daing niya at mahigpit na napahawak sa tiyan niya.
Kaagad akong mapabalikwas sa pagkakaluhod ko at dali daling kinuha yung bag na naglalaman ng mga damit niya at ng hygiene kit.
Kaagad akong mapabalikwas sa pagkakaluhod ko at dali daling kinuha yung bag na naglalaman ng mga damit niya at ng hygiene kit.
Kumuha ako ng dalawang N95 Mask at isinuot ang isa niyon sa kanya samantalang isa sakin. Binuhusan ko din ang mga palad niya ng napakaraming alcohol.
"T-tara na hon! Halika na!" natataranta kong sabi at binuhat siya at agad na sinakay sa tricycle namin.
"T-tara na hon! Halika na!" natataranta kong sabi at binuhat siya at agad na sinakay sa tricycle namin.
Agad kong pinaharurot ang tricycle dahil wala namang nakakasagabal dahil naka-quarantine ang lahat ng tao. Nalampasan din namin ang mga bantay dahil sa nangyayari at sinamahan kami ng isang Brgy. Tanod na siyang tumabi sa asawa ko sa loob.
Mas pinabilis ko ang pagpapatakbo ko ng sasakyan habang naririnig ko ang palakas na daing ng asawa ko sa loob habang patuloy na pagtagaktak ng pawis sa kanyang noo at pilit pinakakalma ng Brgy. Tanod na kasama niya.
Ilang saglit pa ay nakarating kami sa isang malaking ospital pero ako na lang muna ang bumaba kung pwedeng maipasok ang asawa ko dito. Saktong nakasalubong ko ang isang doktor na palabas at kaagad kong nilapitan.
"D-doc! P-pwede bang manganak ang a-asawa ko dito?! N-nandun po siya sa t-tricycle ko!" nauutal kong sabi at medyo napapatingin sa akin ang ibang tao dito sa loob.
"I'm sorry to say sir. Pero hindi po pwede dahil sobrang dami ng Covid-19 patients dito. It may harm you, your wife and even your baby. May malapit pong maliit na ospital dito na walang case ng—" hindi na niya natapos ang sinasabi niya at halata sa mukha ang pagkadismaya.
Mabilis akong bumalik sa tricycle at nakita kong pilit na pinapakalma ng Brgy. Tanod ang asawa ko na nanliligo na sa pawis ngayon at malalim ang mga nagiging paghinga.
"H-hindi daw pwede dito." maising sabi ko at sumakay na sa tricycle ko sabay start ng makina ko.
"Sa St. Luke's Medical Center! W-walang case doon! Malapit lang, bilis!" sigaw ng Brgy. Tanod na pinagpapawisan na din ngayon.
"Sa St. Luke's Medical Center! W-walang case doon! Malapit lang, bilis!" sigaw ng Brgy. Tanod na pinagpapawisan na din ngayon.
Makalipas ang nasa dalawang minuto ay kaagad na kaming nakarating sa ospital at muli kong binuhat ang asawa ko at dali-daling isinakay sa stretcher na siyang ipinasok ng mga nurses sa emergency room.
Napatigil na ako nung maipasok na siya sa loob ng emergency room at nagpaikot-ikot at hindi mapakali kung ano bang susunod na mangyayari.
"Hijo, kumalma ka nga. Magiging ayos ang mag-ina mo. Maupo ka muna dito." sabi ni Aling Pising na siyang Brgy. Tanod na sumama sa amin ng asawa ko.
Napahinga naman ako ng malalim at napangiti saka umupo sa tabi niya at naghihintay ng magiging resulta. Ilang oras na kaming naghihintay pero wala pa ring balita mula sa loob kaya maya-maya pa ay lumabas muna ako upang bumili ng makakain ng bigla akong mapadaan sa prayer room.
Napatigil ako sa harap nito at dahan-dahan akong naglakad patungo sa loob, lumuhod sa luhuran at nagsimula ng manalangin...
Panginoon, minsan lamang po ako makipag-usap at humingi ng kapatawaran sa inyo ngunit ngayong mga oras pong ito ay humihingi ako ng banal niyong tulong upang tulungan po sa panganganak ang asawa ko.....
Lord, alam ko pong matiwasay na maipapanganak ng aking asawa ang unang anak naming dalawa dahil naniniwala po ako na sa banal niyong tulong ay makakaraos ang asawa ko sa panganganak niyang ito sa kabila ng lumalaganap na salot sa panahong ito. Lord, naniniwala at nananalig ako.
Matapos kong magdasal ay tuluyan na akong lumabas para bumili ng pagkain namin ni Aling Pising. Nakakita ako ng bukas na tapsihan at kaagad akong bumili doon ng dalawang tapsilog at bottled water.
Nakangiti ako habang naglalakad habang hawak ang supot na naglalaman ng pagkaing binili ko. Nang medyo malapit na ako ay nakita kong magkausap na sila Aling Pising at yung doktor na nagpaanak sa asawa ko kaya mas nagmadali ako sa paglalakad papunta sa direksyon nila.
Habang patuloy akong lumalapit ay bumabagal ang paglalakad ko dahil sa mga hikbing naririnig ko mula kay Aling Pising. Si Aling pising naman oh, mas nauna pang umiyak sa akin dahil sa saya.
Tumigil na ako at napalingon silang pareho sa akin na parang may bakas ng lungkot sa mga mukha nila.
"Doc! Ano? Okay ba? Nasaan na yung mag-na ko, doc?" nasasabik kong sabi sa doktok pero walang nagbago sa mga reaksyon nila. Nilingon ko si Aling Pising at tuluyan ng umiyak at sinunggaban ako ng yakap na napakahigpit.
"Aling Pising naman oh, tears of joy ba? Nauna ka pa sakin eh." natatawa kong sabi sa kanya pero lalo siyang napahagulgol sa pag-iyak.
Nagsimula ng mag-iba ang pakiramdam ko at parang pasikip na ng pasikip ang nararamdaman ko. Ano bang nangyari? Pinilit kong kumalas sa yakap ni Aling Pising at kaagad na tinannong ang doktor.
"Doc? A-anong nangyari? B-bakit ganito ang reaksyon niya?" garalgal at seryoso kong tanong sa kanya pero hindi siya umimik. "Doc! Ano?! S-sagutin mo naman ako oh!" napasigaw na ako at napa-iling na lamang siya sa tinuran ko.
"Y-your wife didn't survive the operation. I'm sorry."
Nagsimula ng umagos ang mga luha ko sa aking pisngi at nanlambot ang mga tuhod ko kaya napaluhod na lamang ako sa pwesto ko.
Nagsimula ng umagos ang mga luha ko sa aking pisngi at nanlambot ang mga tuhod ko kaya napaluhod na lamang ako sa pwesto ko.
Hindi! Hindi totoo 'to! Hindi pa patay ang asawa ko! Muli akong tumayo at kaagad pinunasan ang mga luha ko at muling hinarap ang doktor.
"Doc, sabihin mo biro lang 'to." walang emosyon kong sabi sa kanya pero nanatili lamang siyang walang imik.
"Doc, sabihin mo biro lang 'to." walang emosyon kong sabi sa kanya pero nanatili lamang siyang walang imik.
"DOC, SABIHIN MO BIRO LANG 'TO!" umalingawngaw ang sigaw ko at napatingin sa direksyon namin ang ibang tao pero umiling lamang ang doktor na kaharap ko.
"HINDI! HINDI! HINDI! HINDI TO TOTOO! HINDI PATAY ANG ASAWA KO!" sigaw ko at tuluyan ng kumawala ang napakarami kong luha at nagwala sa kinaroroonan namin.
Sinuntok ko ng ilang beses ang pader hanggang sa magdugo ang kamao ko at saka muling hinarap si doc na nakatingin lamang sa akin.
"D-DOC, BUHAY YUNG ANAK NAMIN HINDI BA? HINDI BA? BUHAY SI ACE DI'BA?" sunod sunod kong tanong sa kanya at saka ko siya hinawakan ang magkabila niyang braso at kinaladkad iyon. "DOC, ANO?! SUMAGOT KA!" sigaw ko pa habang patuloy sa pagkaladkad sa kanya.
"Y-your wife, she's infected with the virus." usisa niya at may lumabas ding luha sa mata niya. Muling bumuhos ang mga luha ko at nakapagpadurog ng puso ko.
Anong ibig sabihin nito? Anong nangyari sa mag-ina ko?
"A-asymptomatic ang asawa mo kaya walang lumabas na sintomas na infected siya ng Novel Coronavirus. And i-i'm sorry to say this..." sabi niya at may tumulo muling luha sa mata niya.
"Y-your son died because of the Virus. Siya ang pinakabatang natamaan ng pandemic at nasa tiyan pa lamang siya ay infected na siya dahil sa kanyang ina na infected din nito. Y-your son and wife died beacause of Covid-19." mahabang litanya nito.
Binitiwan ko na siya at dun na ako napalupagi sa sahig at walang tigil na umiyak dahil sa nangyari. Bumaha na ang luha ko at kasabay nito ay narinig ko ang mga patak ng ulan sa labas na tila nagdadalamhati din sa pagkawala ng mag-ina ko.
Tumayo ako at walang habas na pumasok sa emergency room kung saan nanganak ang asawa ko at doon ko nakita ang asawa ko sa walang buhay niyang katawan at yakap yakap ang anak naming dalawa.
Lumapit ako sa kanila at niyakap ko silang dalawa habang nararamdaman ko ang pagtapik ni Aling Pasing sa likod ko.
"Hon, Ace, Bat niyo naman ako iniwan?!" habang patuloy sa pag-iyak at yakap sila. "Hindi ko pa kayo nakakasama ng matagal pero iniwan niyo na agad ako?! Ang daya niyo!" sigaw ko sa loob.
Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanila at saka walang habas na nagwala sa loob at itinumba lahat ng bagay na nakikita ko habang sigaw ng sigaw sa loob.
Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paghawak ng maraming kamay sa akin at kasabay nito ay naramdaman ko din ang pagbaon ng isang napakatulis na bagay sa aking braso.
Unti-unting nanlabo ang paningin ko at nagda-dalawa ang tingin ko sa mga bagay bagay. Umikot ang paningin ko at nakawala pa ako sa pagkakahawak nila sa akin pero napadapa na lamang ako at tumulo muli ang luha ko at napahandusay na lang ako sabay ng pagdilim ng paningin ko.
Wala na talaga sila. Wala na ang mag-ina ko. Nang dahil sa Coronavirus na ito na tuluyang sumira ng buhay ko...
; end of thread
As i've said, this is just a product of my imagination. I know it's too long but it's worth it right? Please don't plagiarize my work. I will publish this on wattpad. Please visit my account: Ginoong_Liabres.
Thank you !!
As i've said, this is just a product of my imagination. I know it's too long but it's worth it right? Please don't plagiarize my work. I will publish this on wattpad. Please visit my account: Ginoong_Liabres.
Thank you !!