huwag mo na lang simulan kung hindi mo lang rin naman paninindigan.

a thread;
'wag mo na lang balakin o umpisahang pasukin ang buhay ng isang tao kung hindi mo rin lang naman kayang panindigan 'yang magiging pagsasama ninyo hanggang dulo.
okay lang naman kung yung intensyon mo ay bilang kaibigan lang.

pero yung papasok ka para lang bigyang motibo, sanayin, mapa-attach sa presence mo, iparamdam na special siya, ipakitang concern ka sa kaniya tas bigla mong iiwanan sa ere,

putangina, masakit 'yun.
kung gusto mo siya, alamin mo muna sa sarili mo kung "malinaw" ba 'at "sigurado" ka diyan sa nararamdaman mo. ---
--- pag-isipan mo muna maigi 'yang mga sasabihin mo bago mo ibitaw. huwag kang mangako o magbigay ng kahit anong panghahawakan niya tas hindi mo naman pala kaya o wala kang balak tuparin. puta ang sakit kayang ma-disappoint.
oo, sabihin na nating kaya mo namang i-manage nararamdaman mo, sa mga ginagawa mo sa kaniya ay wala lang sa'yo. pero sa kaniya ba, ganun din? siya ba, ganun din? ---
--- paano 'pag biglang nahulog sa'yo yung taong 'yun nang dahil sa mga sinasabi, pinapakita at ginagawa mo sa kaniya, magsstay ka ba hanggang dulo?

ang lakas mo kasing sanayin yung tao tapos hindi mo naman pala sure kung magtatagal ka.
dumadating sa point na lagi kayong magka-usap, napupuyat siya kakausap sa'yo, bukambibig ka sa mga tropa at kamag-anakan niya, pero ano lang 'yun sa'yo, pampalipas oras lang? ---
--- nagsstay ka lang naman kasi nasa-satisfy ka pa sa saya at comfort na nararamdaman mo sa kaniya. tas ano? 'pag bigla kang nagsawa, iiwanan mo na?
KUNG HINDI KA PA NAMAN KASI SIGURADO SA NARARAMDAMAN MO, HUWAG KANG MAGBIGAY MOTIBO. KUNG GUSTO MO LANG SIYANG KAUSAP, LINAWIN MO. HUWAG KANG MAGBIGAY NG MIXED SIGNALS SA KANIYA.
ang hirap kaya na sa araw-araw ninyong pag-uusap, laging bumabagabag sa isipan niya 'yung katanungang "paano kung iwan din ako nito?", dahil walang assurance eh, basta masaya at comfortable lang.
kaya huwag mo na lang simulan kung hindi mo kaya o wala ka talagang balak panindigan hanggang dulo.
You can follow @delcarmen_jorel.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: