Isang pribilehiyo para sa atin ang maupo sa ating mga bahay at magdemand na i-extend ang semestre dahil sa pangambang baka mahirapan lang tayo sa next courses at sa subjects natin: A THREAD (???)
1) Hindi lahat nasa tamang kondisyon para bumalik sa unibersidad matapos ang very traumatic experience that is this pandemic and the ECQ.
2) Hindi lahat ng mga estudyante ay may financial capabilities para magstay pa longer sa university.
3) Mayroong mga pamilyang dalawang buwang walang sahod, at maayos na makain. Ieexpect ba talaga nating pumasok ang mga mag-aaral na para bang walang problema at isyung pinansyal na iisipin?
4) Maliban sa usaping pinansyal, ay paano ang risk ng exposure sa virus once nagbiyahe tayo pabalik? At ano ang assurance na may masasakyan tayo sa biyahe pabalik?
5) Kung ieextend ang klase, at magreresort tayo sa online classes, paano yung mga walang internet sa bahay?
6) Kung irereset naman ang semestre, afford ba nating lahat dagdagan pa ng isang semestre ang stay natin sa unibersidad?
Clearly, ang pinakamakatao na desisyon na pwedeng gawin ng UP admin ay ang tapusin ang semestre, at ipasa ang mga estudyante. Kung hindi, ay darating at darating ulit tayo sa conclusion na maging ang UP education ay para lamang sa mga may kaya.
Hindi rin naman ibig sabihin na pag ipinasa tayo, ay yun na yon. Kalakip nyan syempre ang pagdemand natin ng efforts ng university na ayusin ang curriculum kung kinakailangan, magparemedial class for prereq courses, at mag-exert ng extra effort para iguide tayo throughout.
Habang iniisip ko kung paano na yung grades ko sa mga subjects kong may mga prerequisites next sem, at the same time ay may mga kaklase ako at kamag-aral na ang iniisip ay kung paano sila makakakain, mabubuhay, at magpapatuloy pagkatapos ng lahat ng ito.
You can follow @mslpd_official.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: