toxic na pero kumakapit ka pa.

a thread;
have you been in a toxic relationship? yung tipong puro ayaw nalang kayo, mas nangingibabaw na yung hate kesa love, you feel like one-sided love nalang kayo or kumakapit nalang kayo hindi dahil mahal niyo pa ang isa’t isa kundi nang hihinayang kayo sa tagal ng pinagsamahan niyo.
worst scenario is maging toxic yung relationship niyo. dati give and take pa kayo ng pag mamahal samantalang ngayon isa nalang yung bigay ng bigay. you keep on looking on the brighter side kahit na sobrang dilim na ng liwanag ng pag mamahalan niyo.
sobrang hirap bitawanan ng taong mahal na mahal mo. pilit kang kumakapit sa patalim na kahit sobrang sakit na, kahit puro sugat na yung kamay mo ay di mo kayang bumitaw. you’re always thinking na baka lumaban pa siya kahit papaano.
yung kahit puro sakit na yung binibigay niya sayo, palaging luha nalang yung nakikitang tumutulo sa mukha mo, hindi mo padin magawa gawang sumuko kasi mahal mo.
pilit ka pading lumalaban sa isang gera na alam mo namang sa umpisa palang ay talo kana. kinakapitan mo padin yung mga katagang “mahal kita” na sa bibig niya mismo nag mula.
ikaw nalang palagi yung umiintindi sa inyong dalawa. iniisip mo na baka may problema lang siya kaya sayo niya nailalabas yung sama ng loob niya.
hindi mo pinapansin yung mga taong nag sasabi sayo na hiwalayan mo na kasi pag mamahal sa kanya yung nangingibabaw sayo. iniisip mo baka isang araw lumaban ulit siya, bumalik yung saya niyong dalawa.
pero isipin mo din, sobrang mali diba? sarili mo na mismo yung sinasaktan mo. nag papakatanga kana, nagiging manhid kana sa dahil sa sakit na pinaparamdam niya sayo.
hindi ka dapat magsettle sa ganyang relasyon kasi everyone deserves better. a relationship na kayang iparamdam sayo yung halaga mo at kung gaano ka kaimportante sa isang tao.
you should feel that you’re loved, don’t waste your tears on those people who doesn’t know anything but to hurt you. maybe not now, but someday you will have the relationship that you deserve.
You can follow @heyitsmekyleee_.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: