Alam mo yung sobrang mahal na mahal mo yung tao.
Gustong gusto mong lumaban para sa inyo.
Gustong gusto mo siyang makita at mayakap man lang.
Gustong gusto mong ngumiti ulit kasi alam mong sobrang saya mo kahit makita lang siya ng saglit.
Gustong gusto mo siyang balikan kaso..
Kaso isang araw marerealize mo nalang na kailangan mo nang tumigil sa pagiging tanga mo sakanya.
Kasi alam mong kahit ilang beses mong ibalik yung lahat at ilang beses mong sabihing gusto mo pa.
Alam mo din na hindi pwede kasi hindi ka naman niya mahal talaga.
Kahit ulit ulitin mo sa sarili mo at sakanya.
Hinding hindi siya magbabago kasi hindi ka naman ganun kahalaga.
Hinding hindi mo kayang pantayan yung taong minahal niya ng sobra dati.
Hindi ka lang talaga sapat para paghirapan niya.
Kasi ayaw niya lang talaga.
You can follow @Maria43_1999.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: