Thoughts on Moving On: A thread
[Since ang dami niyo na nagtatanong]
1. Hindi madali magmove on. Iba-ibang tao, iba-ibang karanasan. May mabilis, may mabagal. May iba sobrang lalim ng sugat kahit sa maiksing panahon dahil naging malabo. May iba mabilis naghilom dahil maayos ang closure.
2. May mga bagay na hindi talaga binibigay sa atin. Minsan talo talaga tayo...pero sa sitwasyon na & #39;yan lang ha. Iikot ulit ang gulong. May magmamahal sa& #39;yo tulad ng pagmamahal mo o baka higit pa.
3. Kamahal-mahal ka. Minsan hindi ka talaga nagkulang. Hindi lang kayo para sa isa& #39;t-isa.
4. May mga oras na bigla ka na lang iiyak. May mga oras na hindi ka makahinga. Ikaw lang ang may alam gaano kabigat o hirap kasi kahit anong salita mula sa iba, hindi kayang tumbasan ang sakit. Ikaw ang magbibigay lunas sa sakit.
5. Minsan magpapanggap kang okay ka lang. Ngingiti ka na parang wala lang. Ayos lang & #39;yan pero sana& #39;y wag mong itanggi na hindi ka okay kapag dinalaw ka ng lungkot. Ayos lang umiyak. Ayos lang damdamin. Ayos lang masaktan.
6. Tao ka kapag nagmamahal ka. Kaya kahit matalino ka, may lisensya, matagumpay, o ano pa man, pantay-pantay tayo kapag nagmamahal. Hindi mo kasalanang nagmahal. Tao ka. May pakiramdam ka.
7. Minsan nakikilala natin ang tao para lang may matutunan tayo.
8. Minsan ganoon talaga? Mapupunta tayo sa maling tao para makilala natin ang tama.
9. Hinihiling ko na masaktan ka. Madurog ka. Umiyak ka. Sumigaw ka. Magalit ka! Kasi tang-ina, di ba? Hindi mo deserve, di ba? Pero pag binalikan din natin ang panahon na & #39;to. Ngingiti rin tayo. Malalaman mo kung para saan lahat ng & #39;to.
10. Patawarin mo siya. Lalong-lalo na sarili mo. Hindi & #39;yon para sa kanya, para rin & #39;yon sa& #39;yo. Sa pagpapatawad, mapapalaya mo ang sarili mo.
11. Huwag sana kayong magmahal ng panandalian para pantapal sa nararamdaman nyong sakit. Uulit lang ang sugat at kakalat lang ang sugat. Masakit maging rebound.
12. Huwag kang magmadali sa pagmove on. Huwag na huwag kang magmahal kung hindi pa handa dahil baka magsisi ka. Mas mabuti nang mahalin ang sarili kaysa manakit ng iba.
13. Punuin mo sarili mo ng pagmamahal. Ingatan mo ang puso mo. Mabubuo ka rin sa tamang panahon.
14. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Sa ngayon, hinga ka muna ng malalim. Darating din ang pagkakataon o pwede rin gumawa ka ng pagkakataon...basta dapat handa ka na.
15. Huli, darating ang panahon na mararamdaman mong hindi pala mahirap ang magmahal dahil tugma kayong dalawa, nasa iisang pahina. Darating din & #39;yon. Tiwala lang. https://abs.twimg.com/emoji/v2/... draggable="false" alt="🙂" title="Slightly smiling face" aria-label="Emoji: Slightly smiling face">
You can follow @riyanportuguez.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: