dahilan kung bakit sobrang laki nung paghanga ko sa girlfriend ko. a thread;
libra siya pero magugulat ka kasi di siya yung typical na klase ng libra. di siya basta basta, kakaiba yung ugali/pagiisip niya kung ikumpara mo kasi madalas ay may pagkakatulad ang mga pareho ng zodiac sign
iba siya mag isip, sobrang lawak niya mag isip. di lang para sa isa, kundi para sa lahat. bawat detalye iniisip niya, wala siyang kakaligtaan
may paninindigan siya, di mo gugustuhin na makalaban siya sa debate kasi di siya balimbing. di siya papatalo, dun siya sa kung ano yung pinapaniwalaan niya. makikinig siya sa opinyon ng iba pero makikita mo yung determination niya para tumatak sayo yung gusto niya iparating
as a leo na isang stupid maderpaker fire sign, natatakot ako sa kaniya. mas matapang kasi siya, wala siyang inaatrasan. sobrang malala yan pag may pinag uusapan kami tapos magkaiba kami ng opinion, taena nagbabardagulan kami.
ang talino niya, sobra. alam niya yung tama, alam niya yung talagang kailangan. kaya niyang magsalita kung kinakailangan talaga. sobrang pang up student ang datingan niya, as in.
sobrang nakaka inlove siya pag nagsasabi siya ng opinions niya kasi nakakahanga, ang mature kasi. sa sobrang mature niya mag isip, napapasabi na lang ako ng tangina pinili ko yung tamang tao.
share ko lang ito, sobrang nakaka inlove kasi talaga. flex ko lang jowa ko ganun kasi tangina anong ginawa ko para magkaroon ng tulad niya huhuhuhu. end of thread.
You can follow @schaengcasso.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: