Ang ganda ng #TheHowsOfUs! Grabe yung linyahan lalo na sa breakup nina George at Primo. Ang sakit. Deserve din yung ending dahil kita namang nagbago talaga si Primo.
Pero syempre, narealize ko, hindi lahat ng Primo sa buhay ng mga George sa mundo ay nagbabago na parang sa #KathNiel film. In the same way as Georges can't always wait for Primos to grow.
Sa totoo lang, hindi biro yung pinagdaanan ni George. Ang sakit! I really had a hard time watching her character struggle, kasi di niya naman talaga deserve mahirapan. May right din naman talaga siyang mapagod.
Gets ko naman, para sa pag-ibig. Pero hindi pa rin talaga biro yung pagurin at ubusin ang sarili habang nag-aantay na mag-improve yung mahal mo. You may be understanding and all, but you are human, too.
Plus, your self-esteem may also be affected. Isipin mo, you are such a wonderful person, tapos ibababa mo ang sarili mo at mapag-iiwanan ka dahil sa mahal mo. Passion niya lagi ang una. Paano naman ikaw? Hindi naman pwedeng siya lang lagi, right? Pwede namang give and take.
So I guess and takeaway ko talaga rito ay, as much as happy ako sa characters nila Primo at George for having that wonderful second chance, I also recognize that for some, that happy ending isn't just attainable. And that's okay.
Especially if ending that relationship and letting go of that person for good will bring you the peace you've always longed for. And, who knows, maybe better things will happen once you self yourself free. Baka kasi hindi isang Primo ang nakalaan para sayo. ❤️
OMG ang dami kong sinabi. Sorry na, ang dami ko lang feels. Okay, fine! Thank you for coming to my TED Talk! HAHAHAHA
You can follow @lrtqueen.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: