what if nawala ako?

a thread;
what if nawala ako, hahanapin mo kaya ako? hahanapin mo kaya yung presensya ko? hahanapin mo kaya yung taong nag papasaya sayo? hahanapin mo kaya yung taong kaya ibigay lahat para lang sayo?
i’ve been sacrificing a lot of things for you, but my only question is will you find me when i’m gone? will you realize my worth? will you miss the person behind your smile?
what if dumating yung time na sumuko na ako? yung tipong di ko na kaya yung sakit na pinaparamdam mo. tao din naman kasi ako, nasasaktan, napapagod, pero hindi ako yung mabilis sumuko.
tinitiis ko muna lahat, pinapakita ko sayo na okay ako, pero gustong gusto na tumulo ng mga luha ko. pinapakita ko sayo na masaya ako, kasi yon naman talaga yung nararamdaman ko pero nangingibabaw yung sakit na pinapadama mo.
sobrang daming tanong ang tumatakbo sa isip ko, pilit na ginugulo ang pantasyang meron tayo. sinisira ang mga pundasyon upang mawasak ang munti nating kaharian na sabay nating binuo.
mahal kita at yon ang totoo, kayang kong gawin lahat para sayo. kaya kong tiisin yung sakit at kirot na pinapadama mo. pero ang tanging tanong ko sayo, what if nawala ako.
You can follow @heyitsmekyleee_.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: