Yung tapos ka na pero nagpalit ng instructions

A thread

(Dont hate me, nadadala to ng emosyon ko ngayon, but im in the right mind naman)
So I did notes on few subjects, then as usual. Kung kailang tapos na ako biglang napalitan yung instructions. I fully understand the covid situation pero sana kasi instructions were given a head of time and final
I admire one of my friends (in this kind of situation) kasi siya nagccram siya ng mga works pero it works perfectly kasi kahit magpapalit palit ng instructions hindi siya maaapektuhan since hindi naman niya ginagawa long way a head of time
Minsan napapa isip ako. Kasalanan ko bang nagsipag ako? I grew up with good people telling me na gawin mo nang mas maaga para mas marami kang time para sa sarili mo, wag mong ugaliin yung pag cramming. I know for a fact na tama yon. Pero bakit nababago yata yung principle /?/
Imbes na magwork ng maayos yung thinking na gagawa ka ng mas maaga right after the instruction eh minsan ikaw pa yung dehado. Mali ba yung ayaw mo lang matambakan ng trabaho kaya mo ginawa ng mas maaga? Mali ba yung nag exert ka ng effort planuhin lahat ahead of time?
Gustong gusto ko talaga magwala kanina, napigil lang ako kasi andon sila mama. Gusto ko nalang sunugin yung mga notes na ginawa ko na HAHAHA (medyo intense diba sa sobrang argggh) but instead nagpray nalang ako (not really that religious tho) pero I asked for peace of mind..
Siguro factor na din kasi yung may pinanghahawakan pa akong titulo ng honor, hindi madaling ikeep up yon. Nandon yung worries and takot na if I dont do one work right I can just go down right away in flames. Yung takot na pinaghirapan mo ng matagal tas baka mawala nalang bigla
Syempre huling kembot nalang eh ngayon pa ba ako susuko? So then sinabi ko nalang sa sarili ko na osya sige nakakainis man pero susundin ko nalang, andito ka na dale eh, ngayon ka pa ba susuko? Walang lugar yung inis mo kung uunahin mo yan baka di mo pa matapos yung revised work
Naglabas lang ng sama ng loob pagpasensyahan nyo na po since Im a good studious one with all my life. Napapagod din naman po kami. Sana next time certain na po yung instructions nyo and that cinoconsider nyo po na hindi lahat ng studyante nag ccram, may mga gumagawa din po ahead
You can follow @FattyAciddddd.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: