May dalawang klase daw ng pag mamahal. Iyong pag mamahal na nanatili at iyong pagmamahal na umalis pero bumalik. Alin kaya sa dalawang pag ibig ang totoo? Sabi nila yung natili daw. Para sakin naman yung umalis pero bumalik.
Minsan, nasasabi natin na "Ang tunay na pagmamahal ay iyong pagmamahal na nanatili." not even realizing na hindi lahat ng pagmamahal na nananatili ay totoo at dakila.That& #39;s why, if someone leaves you, don& #39;t ever try to stop them from leaving.
Kasi pag bumalik yan, doon mo malalaman na mahal ka niyang talaga. Minsan kasi akala natin mas dakila yung pag-ibig na nananatili.
Eh paano kung nanatili nalang kasi nasanay na? Nanatili nalang kasi natatakot lang na mag-isa? Nanatili lang kasi naaawa sayo? Do you think true love parin yun?
If someone leaves you and mouthed you a reason such as "Hanapin ko lang sarili ko." "I want to change for you." "I& #39;ll just make my self better" you don& #39;t have to believe them. Saka ka maniwalang mahal ka talaga nila kapag bumalik sila.
Because the only way for you to know if a person really loves you is to set them free.
If they really see you as their home, babalik at babalik yan. In the right time. Wag kang magpaka selfish na hahawakan mo sya till the end just because you believe it& #39;s true love. Di lahat nang nanatili ay totoo at hindi lahat nang nang-iwan ay manloloko.