never leave someone hanging.

a thread;
golden rule : kung ayaw mo na sa isang tao sabihin mo, hindi yung bigla bigla mo nalang iiwan sa ere tapos mag lalaho kana lang ng parang bula.
kung ayaw mo na sa isang tao, sabihin mo. sabihin mo sa kanya na ayaw mo na para di na siya umasa. kasi sobrang sakit ng mararamdaman niyan lalo na kapag bigla bigla kang nawala.
aasa yan sa mga message mo na inaantay antay niya, aasa yan na baka bumalik ka pa, aasa yan na baka kausapin mo ulit siya, aasa yan na baka maramdaman niya ulit yung mga bagay na nakasanayan niya.
to be honest that’s the most fucked up thing na maranasan mo sa isang relasyon, yung bigla bigla kana lang maiiwan sa ere. you’re unaware what happened bakit di kana niya kinakausap.
hindi mo alam kung may nagawa ka ba or kung may nasabi ka ba na di niya nagustuhan kaya iniwan ka nalang niya biglaan. sobrang hirap diba? yung tipong sobrang daming tanong na tatakbo sa isip mo bakit niya nagawa sayo yon.
bakit hindi manlang siya nag sabi na iiwan kana niya? bakit hindi manlang siya nag sabi na sawa na pala siya? para naman sana aware ka diba? sobrang daming bakit ang natatanong mo, mga tanong na nag papalungkot sayo.
mga tanong na pumapawi ng saya at nag dadala ng luha sa mga mata mo. mga tanong na nag aalis ng gana sayo para mag mahal ng ibang tao. mga tanong na naging dahilan kung bakit ang lungkot lungkot mo.
never leave someone hanging because you don’t know how fucked up they could be once they experienced it. sobrang daming possibilities na pwedeng mangyari kapag naranasan niya yung ganong situation.
sobrang nakakatakot kasi hindi mo alam kung ano yung pwede niyang gawin sa sarili niya. hindi mo alam kung gaano siya masasaktan or madudurog yung isang tao. hindi mo alam na sa simpleng pag iwan mo sa isang tao could cost their own life.
You can follow @heyitsmekyleee_.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: