nakita ko lang HAHAHA pakipatulan na po hehe
1. hindi naman talaga ako naging first choice. laging second or third, minsan nga, wala pa sa choices eh.
2. hindi porket ikaw ang nauna at ikaw ang nandyan, ikaw na ang pipiliin.
3. kapag nagmahal ka, 'wag mong asahang mamahalin ka niya pabalik. hindi niya obligasyong ibalik yung feelings kung wala naman talaga siyang nararamdaman para sa'yo.
4. may mga tao talagang kakausapin ka lang 'pag may kailangan sila.
5. mahirap nang magtiwala sa panahon ngayon, dahil 'yung taong sinasabihan mo ng sikreto ay maaaring magbunyag din ng mga ito sa ibang tao.
6. may mga tao talagang hindi ka pipiliin, pero 'pag gano'n, isipin mo na lang na may mga tao ka ring hindi pinili.
7. huwag mag-assume, masasaktan ka lang. sabi nga, "never assume unless otherwise stated." also sweet gestures may mean nothing, 'wag mong pairalin karupukan mo.
8. kahit anong iyak mo, kahit ilang bote pa inumin mo, kung masakit pa rin para sa'yo, masakit pa rin.
9. lahat ng tao ay iiwanan ka.
10. maraming pwedeng magbago sa isang araw, isang linggo, maski isang buwan. pero mas maraming pagbabago sa isang taon. pwedeng kasama mo pa siya sa ganitong oras, bukas makalawa, iba na kasama niya.
11. hindi lahat ng katanungan ay may kasagutan.
12. hindi lahat ng tao ay gagawin sa'yo yung ginagawa mo sa kanila.
You can follow @axbbxs.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: