Broken fam ni tatianaAaa

A fvckin' thread;
•comment section (dito kayo nagcomment yawa)
•start na natenn
- soo etoo,,, naging sila ni mama nang hindi alam nila mommy na may anak na pala si papa sa iba,, yah may anak si papa sa ibang babae dalawa, isang babae tapos isang lalake, may anak sila ngayon.
- kinasal sila mama at papa tas solo nila kong anak. 2 or 3 years old ako nung magtrabaho si mama sa italy, naiwan ako kila mommy at daddy (sa lolo't lola ko) tsaka kay papa.
- Hindi naging maganda yung mga nararanasan ko kapag na Kay papa ako
Kasi wala pa kong 7 years old lagi na ko kasama ni papa sa mga bar, o kahit sang inuman man nila
And si papa kasi madaming naging babae, lahat ng yon siyempre kilala ko pero may isang araw kasi na nakakita ako ng mga bagay na hindi ko dapat makita dahil sa murang edad ko
Yung isa niyang babae nandon saamin, nakita ko may dugo sa kama,yah MAY DUGO, tapos nakita ko din nung sumugod yung boyfriend/asawa nung babae sa bahay namin tapos si papa naglabas na ng panaksak, nakita ko na din silang nagmurahan habang nag iiyakan tapos nagaaway.
Hindi din naging maayos yung pag aaral ko dahil kay papa, nakailang lipat na ko ng school dahil sa kanya, grade 1 pababa, wala akong nastayan na isang school lang.
Kaya naman para magkaroon ako ng maayos na place and school eh lumipat kami ng bicol para dun muna ako mag aral, dun naman naging stable yung pag aaral ko, grade 2 hanggang grade 4 eh nasa isang school lang ako, first time ko yon haha, ng grade 5 naman e lumipat ako ng school.
Si mama ay nakakausap ko naman gamit video call sa messenger, nung nagbakasyon umuwi si mama pero may kasama siyang lalake, friend niya daw, tapos nung bumalik na siya don sa italy, ilang months lang e may inaalagaan na si mamang baby dun, Sabi niya anak daw yun nung lalakeng
-kasama niya nung umuwi siya dito, amo daw niya yon at inaalagaan niya yung anak nung lalake.
Pero nung umuwi ulit siya dito sa pilipinas kasama na niya yung baby at yung lalake ulit, pero... Sinabi niya saken na kapatid ko daw pala yun, anak na pala nila yun ni tito luigi ( yung lalake haha)
Soo at first ayos lang siyempre pero nung tumatagal kasi selosa ako e haha nagseselos ako ng sobra sa kanila
Kasi yung time na dapat sakin na ibigay ni mama nahahati pa eh kasama naman na nila yon araw araw sa kanila tapos ngayon ko lang ulit makakasama si mama tapos yung time pa ni mama nasa kanila paden.
Peroo nung last na uwi nila dito si renesmee lang yung kasama, hindi nila kasama si tito luigi and I felt sad kasi parang gusto ko din siya makilala pa, di ko din alam kung baket pero umayos yung pakiramdam ko sa kanila hindi na ganong nagseselos haha
Ngayon naman, bumalik na kami dito sa lucena kasi matanda naman na daw ako para magdesisyon kung sasama ako kay papa kung magkataon man.
Dito na ulit ako nag aral and nakita ko na ulit si papa haha
It felt like naiinis ako na naiiyak na masaya na gusto ko siyang sigawan, kasi Parang wala naman talaga siyang pake sakin e haha
Ngayon ayos na ko kasi andito naman sila tita, tito, mommy, daddy lalo na mga pinsan ko haha
Pero still nagkakaron ako ng breakdowns, di ko alam kung bakit pero lately lagi na ko nagkakaron ng breakdowns haha
Tuwing iiyak ako hindi nawawala sa isip ko yung fam ko
Like si papa may girlfriend na ulit, si mama may iba na ding family sa italy, tapos dadagdag pa yung kay papa, nag expect kasi ako na pag uwi ko dito makakabonding ko si papa pero hindi pala
Kasi kahit nga puntahan Lang ako dito tuwing sabado e hindi magawa e haha
Lalo na sa pag sustento sakin, ket baon ko nga Lang di mabigay e haha, nag birthday ako di manlang ako pinuntahan, nagkasakit ako di manlang ako kinamusta
Sooo yownnn gusto ko sanang habaan kaso--- wala lang wag na HAHAHA
Para Sa mga hindi broken fam ANG SWERTE NIYO SOBRA
Sooo yownnn I'll end this thread heree thankyou sa nag basa haha mwaa! Share ko lang to
You can follow @muusshhyyy.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: