uy, kwentuhan ko muna kayo tungkol sa cards and everything. Baka may interested sa inyo sa mga ganitong bagay, napapatanong if paano ko ginagawa or gusto niyo maging tarotist

p.s hindi po ako pro ha. Share ko lang knowledge ko

🔮 a thread;
Bago ang lahat, gusto ko lang i-share na last year lang ako nagstart sa mismong cards talaga. Pero matagal na talaga ako nagbabasa ng mga birth charts (zodiac signs and horoscope). Tagabasa ako ng mga friends ko ng birth charts nila. Hanggang sa napunta na ako sa ta//rot.
Para sa di nakakaalam, ano ba yung tarot?

Cards siya na may mga meaning. As a reader, ako nagbabasa non para sa mga nagtatanong. GUIDE lang yung mga cards na to at hindi naman niya snasabi ang FUTURE. Pwedeng mangyari, pero at the end, kayo pa rin may hawak. Warning lang siya.
Sabi nila, kapag gusto mo matuto, pumili ka ng card na sobrang makukuha yung attention mo.

Kaya ito ginagamit ko. Yung Rider Tarot (bagay siya sa beginner since maraming messages) tapos yung Mystic Mondays malapit talaga siya sa puso ko kaya yan ang kadalasan ginagamit ko.
Marami pa talagang tarot decks. Check niyo sa mga bookstore dun kasi kadalasang nabibili. Basta i-feel niyo lang yung super swak sa inyo para maganahan din kayo.

Try niyo rin The Fountain Tarot, The Wild Unknown, Guardian Angel Tarot, etc.
Paano ko ba ginagawa?

78 yung cards. May mga general meanings yun. Pero dahil tamad ako magkabisa, di ko siya kinakabisa. More on sa visuals ako. Naniniwala naman akong kada tao ko, iba yung nararamdaman nila. Usually bago ako makapagstart, need ko 15 mins for meditation.
It's either, nagpapatugtog ako ng mga pagmeditate na music. Hinahanap ko sarili ko, char. Tapos iisang place lang talaga ako kada nagbabasa. Ang dami kong rituals. Chz tapos palaging disoras ako ng gabi tinatamaan ng ganito. 😩
Eto chismis ha char lahat tayo may psychic abilities/gifts. Nakakalimutan lang natin yun kasi daming distraction sa paligid.

Merong clear-seeing, hearing, feeling and knowing. Sa apat na yan, mas lamang yung sa feeling ko, seeing? Onti lang. Kapag todo meditate talaga.
Kadalasan chinecheck ko, pansin naman nung nabasahan ko na dito

-past, present, future
- current situation mo, action na dapat mong gawin, at gusto mong results
- COMPATIBILITY WITH A PERSON (yan kayo eh)
-Yes or No question
-tas random lang bunot cards sa inyo sa araw 😅
May mga specific readings din pala like career, LOVELIFE ulit, friendship, success, mga ganyan ba hahahahah eh ako sinamahan ko pa fangirl/boy thingz 😬😬
Ako nagsha-shuffle para sa babasahan ko kasi sympre, online lang naman to. Hinihingi ko lang yung birth date nila para may guide ako. Ayun lang, tas sabihin niyo lang ano papatingin. Isesend ko yung card + intepretation. Usually sa experience ko dito, nagiging open bigla mga tao.
And umaabot ng 30 mins - 1 hr per tao. Minsan mas matagal pa, if madami questions si seeker. Ang dami niyo mapag-uusapan talaga. Kaya sinasabi nung iba na nakakadrain ng energy ang pagcacard reading. Tunay naman, pero kasi after mo basahan yung tao, wag na bitbitin ang nakita mo.
At especially rule, lahat ng napag-usapan, sa ating dalawa lang yun. Okay din naman ikwento sa friends mo, pero ako na i-share ko publicly yun ❌❌ nirerespeto ko lahat ng pinagdadaanan ng mga seekers. Yun naman mahalaga. 🥰
And kung mag-aaral kayo, oks yung alamin niyo meanings. May booklet naman yun na kasama sa deck. Kaso iba pa rin kapag natutunan mo yung images at yun ang pansinin mo. Saka yung intuition mo ang palakasin mo. Mas ok na sarili mo muna basahan mo everyday. Ganun ginagawa ko 😉
++ iclose mo yung card mo. Ituring mo siyang parang sarili mo. Ang weird, pero katabi ko po card ko matulog. Para dala-dala niya yung energy ko at kilalang-kilala niya ko.

Hahahahaha wag niyo ko tingnan na weird! Wala sa pagka😈 ang ginagawa ko chAR
pero ayun, good way din kasi yung tarot para makilala mo ang self mo LALO. Wala siyang kinalaman sa pangkukulam etc or masamang elemento ganon. More on, pakikipag-usap siya sa sarili mo, sa guides, and pagmeditate which is healthy naman sa akin. 🥰
AYUN LANG NAMAN THE END!!! Tnx for listening to my TEDTALK hahahahaha di ko alam if may pake ba kayo dito. Sorry po if lagi akong off topic at ang ingay ko with my readings. 😩✊

Pero salamat sa nakikisabay dyan! Hihi TARA NA TRASHTALKAN NAMAN CHAR
++ open naman po ako for personal readings. Willing ako magbasa for free lalo na sa mga A'TIN.

If namessage niyo ako tapos umoo ako dati at di pa nakakabalik, paalala niyo ulit. Or ano ba solusyon para di matabunan mga messages regarding sa pa-reading? Ano ba dapat gawin ko 😩
tapos pahabol, idol ko syempre si Stargirl, Blatherbie, The Gem Goddess, Charmed Intuition and my icon MADAM AURING!!! char hahahshshshshah good night ewan ko na 😆
You can follow @jahstrology.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: