ANAK NG TIPAKLONG
Hi, may nameet akong bata sa Nazareth. 3 years na silang namumuhay na walang magulang kasi nagpakamatay yung nanay after non nagpakamatay na din yung tatay nya. Nag-asawa na din yung ate nya at the very young age at nakabukod na ng tirahan.

Si Jofel nga pala ay grade 5 incoming grade 6 student sa pasukan kung papalarin. Sana kaya pang tustusan. Madalas ng di nakakapasok si Jofel kasi kailangan niya mamundok para may mapangkain. Kulang man sa material na bagay, hindi nagkulang si Jofel sa mabuting asal.
Marunong magpasalamat. And, Ma'am Janneth told me na sa dami ng batang kasama nila sa feeding program, lima lang yung marunong magpasalamat, at si Jofel yung isa don.
Nung naglalakad kami pabalik sa sasakyan, sabi ni Ma'am Janneth, "Ma'am pwede po bang dalawa yung ibigay natin sa kanila? Please po. Sila lang po yung ihihingi ko ng ganitong favor." Then, Ma'am Janneth shared the story of Jofel. Sobrang nashock ako dahil hindi ako makapaniwala.
Then, pinasunod namin si Jofel. Akala nya dahil nagpapasama lang kami sa bagong tinutuluyan ng ate nya. Inabutan pa namin sya ng another pack. Sabi nya, "Para kanino po ito?". We told him, "Bunso para sayo yan kasi mabait ka." Sabi nya, "Talaga po? Salamat po!"
Hindi makapaniwala na parang naiiyak yung bata sa tuwa. He's so grateful. Grabe.
Si Jofel yung pinakamasayang tao na may pinakamagandang ngiti na nakita ko nung araw na ito. Kakaiba itong bata na ito. AS IS.

Ayokong sanang mawala yung pangarap nung bata dahil sa kahirapan.
Ayokong mabura yung ngiti sa mukha nya habang nakikita nya na totoong mahirap ang buhay.
Ayokong mabura yung ngiti sa mukha nya habang nakikita nya na totoong mahirap ang buhay.
Si Jofel ay hindi tipaklong. Subalit hindi tulad ng langgam, kahit sya ay nagsipag at nagsikap wala syang naiimpok.
Sa mga nagkaloob sa ating donation drive, yes, we got this covered po! At pinapaabot ni Jofel ang kanyang taos pusong pasasalamat sa inyong lahat!
Sa mga nagkaloob sa ating donation drive, yes, we got this covered po! At pinapaabot ni Jofel ang kanyang taos pusong pasasalamat sa inyong lahat!

Para sa mga nais mag-abot ng tulong kay Jofel in kind man ito o para sa kanyang pagaaral, please message my Sister Eunice @imiiyuenaysii.
Mapapasabi ka na lang ng "Anak ng tipaklong" after mo marealize na, yes, someone living like Jofel exists.

This thread is posted by my Sister on Facebook.
Guys hindi nagiisa si Jofel. Marami ang katulad nya.