"MAS MASAKIT PAG BABAE NA ANG SUMUKO"

A Thread~
Sa unang parte ng istorya, kaya ikaw ang sinagot niya, kahit madaming iba dyan eh mahal ka niya. Na kahit madaming mas makakahigit sayo, sayo nya lang gustong magmahal at maging masaya.
Kaya kung dumating yung araw na sinaktan at niloko mo siya, at binigyan ka nya ng maraming pagkakataon para magbago, MAGBAGO KA! Hindi porket pinapatawad minamahal ka pa rin niya sa kabila ng kalokohan mo eh habambuhay na siyang magiging tanga sayo.
Pag yan natauhan at natuto, pag yan naghanap ng pagmamahal sa ibang tao, pag dumating yung araw na may taong mas makakahigit sayo sa paningin niya at kayang alagaan siya ng tama. Pag dumating yung araw na nakita nya na yung halaga niya sa sarili niya, trust me magsisisi ka.
Hindi marunong manloko ang babae pero matuturuan mo siya sa ginagawa mo. At pag dumating na yung puntong pagod na siya, at masaya na siya sa iba, kahit anong pagmamakaawa mo, kahit anong pagbabago mo, hindi na yan babalik sayo.
Kasi yung babaeng yon na akala mo di ka ipagpapalit sa iba. Aalagaan na ng taong alam yung salitang pagmamahal at kayang panindigan to.
Take note: Maging proud ka sa girlfriend mo hanggat nandyan sya sa tabi mo alagaan mo. Hanggat mahal ka mahalin mo, hanggat kayang mong intindihin, intindihin mo.
Mas masarap sa pakiramdam kung may isang babaeng handang tanggapin lahat ng kamalian mo, mabago yung ugali mo at higit sa lahat kayang ipakita na proud sya sayo.
Sa nagtatanong na "paano kung parehas kaming babae?" Hindi ko po alam sagot kasi & #39;di ko pa nararansanang magjowa ng kapwa ko babae hahahhaa. Magpataasan nalang kayo ng pride o dikaya palakasan kayo ng toyo. Hahahhahahajk
You can follow @K2419_.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: