Mag hihintay o susuko na ba?

; a thread
I know it might be boring to someone na hindi makakarelate sa kwento ko. Pero please bare with me if i have to start from the very start para maintindihan nyong mabuti.
And one reason kung bakt ko ginawa to is i really need an advice because this pain is slowly killing me to the point na nararamdaman ko na sya physically.
Way back April 2017 someone added me on facebook, i stalked him first before confirming him kasi familiar yung pangalan nya, and to confirmed na sya nga, my childhood crush/kababata. He wasn't online that time pero chinat ko sya para mangamusta since kababata ko rin naman sya.
(Non Verbatim)

A: Uyy poy, musta na?
S: Okay lang. Haha

I'm this type of person na kapag di ako kinamusta pabalik di na kita kakausapin kaya sineen ko nalang yung chat nya, then few minutes nagchat sya ulit.

S: ang tanda mo na ah? Hahahaha
A: Lol! Hahahaha
And from that pang aasar, nagtuloy tuloy yung usapan namin. Kada umaga mag go-good morning sya at magtutuloy tuloy na yun hanggang sa inaabot kami ng madaling araw sa pag uusap. Sya yung madalas unang antukin kaya lagi kong sinasabi na sasabay nalang akong matulog sa kanya.
And to make this story short, few days later may aaminin daw sya, di naman ako manhid para di malaman kung ano yun, but still I asked kung ano ba yun, mahirap na baka mag assume tayo sa wala. And to confirmed my guts, inamin nga nya na gusto nya ako and he wants to court me.
That was April 23 nung nagstart syang manligaw, since hindi naman nya mapapakita yung pure intention nya dahil nasa cavite ako and nasa parañaque sya kaya hanggang sa chat lang talaga at di ko na rin naman sya kelangan pang kilatisin at kilalalnin dahil kababata ko rin naman sya.
And to grant his request na sana mapaoo nya ako before ako magflight pauwing Mindanao(Cotabato), sinagot ko sya nung April 27, same year, thursday, 1:23 am at kinabukasan nun, april 28 flight na namin ni mama.
So the real challenge for us is on its way. Being in LDR.
So to make this story short, we started our relationship na magkalayo sa isat isa, LDR, literal na bundok at dagat ang pagitan namin and bilang galing sa conservative na pamilya pabor saken yung ganung sitwasyon dahil bawal pa akong magboyfriend that time.
Our relationship was fine, madalang lang kami mag away pero usual reason ng away namin is mga pagbabawal nya saken. At first I never thought na seseryosohin nya yung ganung klaseng relasyon kasi magkalayo kami eh, ang daming magagandang babae sa luzon para seryosohin nya ako..
Minsan naiisip ko rin na baka keme lang nya yun. Haha. Pero no, natest ko yung pure intention nya sa relasyon namin nung nakipaghiwalay ako dahil sa ka-immaturan, he never stop hanggang sa magkaayos kami within that day. and..
Tumagal ng 8months yung LDR namin, at sa loob ng 8months na yun syempre hindi mawawala yung away-bati, at di ko na rin mabilang kung ilang beses akong nakipaghiwalay dahil sa mga nonsense reasons pero binabawi nya parin ako at patuloy na binabawi kada makikipaghiwalay ako.
Hanggang sa dumating yung araw na pinakaaantay namin pareho, magbabakasyon sila sa Cotabato, at finally sa loob ng 8months magkikita na ulit kami for the first time🥺. Magkikita kami bilang "kami" hindi magkababata, hindi magkaibigan. I was so excited that time❤️.
Fast forward, araw na ng flight nila nun and hindi ako mapakali sa sobrang excitement hanggang sa dumating na nga sila, I was 17y/o that time and sya naman 18 na, less experience ako pagdating sa closed distance rs kaya kung ano ano naiimagine ko nun, kung pano ako magrereact,..
kung ano sasabihin ko sa 1st meet namin kasi yun ang unang araw na magkikita kami bilang kami. Wala akong mapaglagyan ng excitement ko nun pero at the same time may kaba, kung pano namin haharapn ng pasekreto ang isat isa kasi bawal ako magboyfriend that time, lagot pag nabuko🤣
First meet namin nun was sa fishballan ni ate bet, magkatext kami nun, pinapapunta nya ako dun para makita ako, kaso di ako sanay na naglalakad ng mag isa pag gabi kaya pinasama ko pamangkin ko, natatawa pa ako nun kasi...
sa sobrang plano namin na act normal kasi kasama nya mga pinsan nya binungad nya saken "hi alia, libre mo naman ako fishball" with gay accent🤣 at yung inimagine kong romantic scene sa isip ko biglang naging comedy. hahaha pero isa rin yun sa pinaka treasured moment ko with him.
Maraming nangyari habang nandito sila, inamin nya rin sa mga kamag anak nya na kami, pero bawal pa talaga sa pamilya ko kaya still patago pa rin kaming nagkikita at everytime na nagkikita kami may kasama sya na isa sa mga kamag anak nya kaya wala masyado kaming sweet moments🤣
Parang magbarkada lang kami that time, pero masasabi kong nasulit namin yung almost 1month na stay nila dito. And if you're curious kung nabunyag ba ang sikreto ko? Well! Walang sikretong di nabubunyag kaya ayun...
Napaamin ako sa mama ko kasi may mga chismis na eh, hahaha. Akala ko magagalit sya though nagalit naman talaga sya kasi ang aga ko raw lumandi pero inadvisan nya ako, na dapat daw alam ko yung limitations ko, she guided me instead na bungangaan ako😅
Atleast legal na kami both side haha, 'til dumating ang araw ng pag alis nya, another pagtitiis nanaman sa LDR at another challenges ulit. Nung umalis sya sobrang pain yung naramdaman ko, kasi sa maikling araw na pagsstay nya dito, nasanay ako sa presence at lambing nya..
Kaya i really cried pag uwi ko galing sa last meeting namin. At sa pag alis nya na yun, naramdaman namin yung totoong problema ng LDR. Biglang nagsunod sunod na yung problema namin that time na nauuwi lagi sa hiwalayan..
Nagkaron ng lamat yung relasyon namin dahil sa sunod sunod na problema.. Pag alis na pag alis nya may pumunta dito na isa sa kamag anak nya, kinausap ako kasi may pinapasabi daw mga kamag anak nila saken. At first she's hesitate to tell, pero pinilit ko sya na sabihin saken...
Pinapasabi daw ng mga kamag anak nila na they don't want me for poy, i acted normal and smiled pa that time, convincing her na i was okay atleast nasabi nya at nalaman ko. I want to break up with poy that time kasi ayokong pagalitan sya dahil sa pakikipagrelasyon saken...
pero i never told him the real reason kaso ayaw nya makipaghiwalay kaya napilitan akong sabihin sa kanya, nagbabaka sakaling baka pumayag sya pag sinabi ko. Pero i was wrong, instead he convinced me to fight, na wag ko syang bitawan, na dapat mas maging matatag kami..
Na dapat mas lumaban kami ngayon na alam namin na may hindi pabor sa relasyon namin, so I did.. Despite of the pain na nararamdaman ko sa sinabi saken ng pamilya nya, lumaban pa rin ako.
To show him that i was really fighting for us, sinunod ko yung gusto nyang bumalik ako ng Cavite at dun mag aral, atleast 1 or 2 rides away lang ang layo namin sa isat isa. This was the 2nd time na magsakripisyo ako para sa ikaka-work ng relasyon namin.
the first one is when he needs to stop attending college, he told me na he also wants me to stop, and i did since di ko rin naman gusto yung strand na pinasok ko kasi i want to pursue business related course someday, at main reason is i love him, i want to show my love for him..
kaya despite of all the criticism na natanggap ko sa pamilya ko, sinunod ko yung gusto nyang tumigil ako sa pag aaral. Nangyari to nung nasa starting point pa lang kami, bago pa lang kami that time pero di ako nagdalawang isip na sundin sya kasi mahal ko eh, mahal na mahal ko.
Fast forward, akala ko okay na, akala namin okay na but then sa hindi inaasahan, kelangan daw nilang umuwi ng Mindanao, kung kelan nasa Cavite na ako. Sino ba ako para pigilan sya? Wala, girlfriend nya lang ako pero alam nyo yung feeling na tinraydor ka?...
I really felt betrayed that time, i was so hurt to the point na pati pag aaral ko nalalagay ko sa alanganin kasi napapadalas yung absences ko. I want to breakup with him that time kasi bullshit na eh, umasa akong magiging okay pag nagsakripisyo ako pero biglang iiwan nya pala ako
i questioned my self worth that time, kasi sunod sunod eh. First yung sa pamilya nya(na kahit nasa cavite na ako panay text pa rin sila na tigilan ko si poy)...
Second is yung sa pagtigil ko na napuno ng ako ng criticism galing sa mga tao sa paligid ko, tapos ngayon eto naman, yung pag iwan nya saken, literally. he never broke up with me pero mas masakit to kesa sa hiwalayan nya ako. Gulong gulo na buhay ko that time..
but then he promised, na babalik daw sya after a week, so naniwala ako, nagtiwala ako, kasi nangako sya eh, at isa pa mahal ko sya, kaya go lang, pero yung week na yun turned into months at panay sabi pa rin syang babalik sya, na babalikan nya ako pero di na ako umasa. Oo nalang.
hanggang sa nakapagbook na ako ng flight ko pauwing mindanao di pa rin sya nakakabalik. Haha. I was so hurt that time to the point na nakipaghiwalay na talaga ako, he's still keep on texting me that time pero madalang nalang, nagrereply pa rin naman ako and..
kada makikilagbalikan sya umoo ako pero kada mauungkat yung mga nagawa nya nawawalan ako ng kontrol sa sarili ko kaya di pa umaabot ng isang linggo nakipaghiwalay nanaman ako, ganun yung routine namin at paulit ulit yun sa loob ng 10months, ilang buwan or weeks na magkahiwalay...
tapos magbabalikan, then after a week maghihiwalay naman. At sa loob ng 10months na yun i still have his password, may access parin ako sa socmed accnts nya at ewan ko kung bat di sya nagpapalit ng password kada naghihiwalay kami, maybe dahil messenger type of guy lang sya or...
tinatamad lang talaga sya. At dahil di sya nagpapalit ng password ofcourse nakikita at nababasa ko mga kachat nya, haha. One time he chatted his ex gf(during his hs days), ex na rin naman nya ako eh, pero nasaktan pa rin ako, nagmeet sila nung ex nya..
pero nabasa ko rin na he did that for closure lang, naks, dun sa ex nya nung hs pa lang sya nakipag closure sya samantalang saken na dinurog nya sa promises nya walang proper closure? Pero pinalagpas ko yun, wala na rin naman akong lakas para kausapin sya ng tungkol samin..
then mga mga march 2019 that time nung nagchat sya sa gc nila with his friends na may crush daw sya medyo nahurt ako that time kasi nagparamdam na ulit sya saken eh, he told me na he's still inlove with me and he wants to fix "us", nirereplyan ko sya pero sabi ko na ayoko na..
na bat ngayon pa sya magpaparamdam kung kelan ang pa-okay na ako, when in fact kaya ko nireject kasi i want to dig more about dun sa nabasa ko na crush nya daw then im not sure kung march din ba nun nung chinat nya yung crush nya daw and to my surprise, that girl is related saken
he said 'hi" dun sa babae, pero di yun maseseen agad ni girl unless nakamessenger sya, so what i did is inadd ko sya gamit accnt ni poy at nagchat na iconfirm nya pero i deleted my chat dun sa babae kasi mahahalata nya. At dun na nagsimula yung pagkakamabutihan nila...
Nagkakamabutihan sila habang kinakausap nya ako para bawiin, ilang araw nalang flight ko na ulit at pursigido nanaman sya na bawiin ako, pero that time naguguluhan ako kasi diba? Inapproach na nya yung babae tapos bat nya pa ako babawiin? Para san pa?...
Then he told me na alam nung babae at he just want me to get jealous pero hindi ko pa rin sya binabalikan, im observing kung hanggang san yung purity ng intensyon nya. I keep on telling him na bat ngayon moko sinusuyo kung kelan pauwi na ako? Kung kelan malapit na ako umuwi jan?
Kasi diba? Sa loob ng 10mos na nag suffer ako sa pag iwan nya saken di ko naramdaman yung totoong pagmamahal nya kasi patay sindi sya manuyo, at bilang marupok kahit ganun sya tinatanggap ko pa rin ng tinatanggap, wala eh, mahal ko eh. Tapos kung kelan pauwi na ako saka sya ganun
Hindi ko sya binalikan agad that time, kasi naiisip ko nun na kaya lang sya pursigidong bawiin ako kasi pauwi na ako eh, kung kelan pauwi ako saka sya manunuyo?.. samantalang nun di nya alam na uuwi ako wala, di ko maramdaman yung real love nya saken.
At that time pa lang nangako sya na pag bumalik ako di na mangyayari ulit yung pag iwan nya saken pero pano ako maniniwala? e at the same time nanjan si girl.. Ewan ko na. Haha
The day of my flight came and pag uwi ko hindi pa rin sya tumitigil sa pagsuyo saken pero di mo masasabing seryoso kasi patay sindi eh at at the same time kausap nya rin ata yung girl sa text since wala na akong nababasa sa chat nila...
Then he asked me kung ayaw ko na ba daw talaga kasi susuko na DAW sya, then i said oo ayoko na, kasi ayoko rin na lumaban pa sya dahil sinabi kong lumaban sya, so yun nga magbebase lang daw sya sa sagot ko kung susuko sya o hindi. Kaya yun, end of commu naman.
Then after a week nagparamdam nanaman sya..nanunuyo nanaman, he explained na kaya nya sinabi na susuko na sya kasi baka daw makita ko yung worth nya sa pagsuko nya, how lame. Haha
but i really said no na talaga kasi may mga kumakalat na chismis na dito samin about sa kanila ni girl then few months had passed at nawalan na kami ng commu, di na rin sya nagparamdam and umiingay na yung issue nila ni girl, and maraming nagsasabi that time na sila na daw kaya..
nag move on ako, pinakita ko na wala lang saken yun kahit ang sakit sakit. Kaya nagstart na rin akong tumanggap ng mga ka M.U, nakikipag M.U ako pero ayoko pa ng label that time, kasi kagagaling ko lang sa breakup eh, tapos wala pa kaming proper closure ng last ko.
Until one time mga june 2019 nun nagparamdam sya ulit, may problema daw sila ni girl, out of my curiosity i asked kung sila ba pero hindi naman daw M.U lang daw tinanong ko kung nililigawan ba nya, sabi nya hindi rin daw, nagkasundo lang daw sila na maging mag M.U..
And it's kinda awkward na saken sya nagtatanong e wala akong mai aadvice, and okay lang sya? Ex nya ako, tapos magpapaadvice sya saken tungkol sa pinalit nya saken? Ewan ko kung anong nangyari sa kanila nun pero since that day nagsisimula nanaman syang magparamdam ulit..
Nagpaparamdam nanaman sya ng affection nya for me, tumagal yun ng almost 1month, mas may effort kasi pumupunta sya lagi sa school and lagi syang nanonood ng school activities namin, tinanong ko si girl sa kanya and he said di na daw nya kinausap since the day na kinausap nya ako.
Friends and finafollow ko si girl sa mga socmed accnts nya and i tried to find out kung anong nangyari by stalking her, and ang mga sinishare nya that time is tungkol sa pango-ghost. Some of her tweets said na she misses poy, so i guess totoo naman yung sinasabi ni poy saken.
Tapos na yung issue about the girl, but the problem is ayoko pang balikan sya kasi im still recovering for what he did at gusto ko na makipag closure sya dun sa babae kasi ayoko maging unfair, i mean she deserves proper explanation kung bat biglang ganun...
kaya pinilit ko si poy na kausapin sya. And to my relief, she's okay na daw pero i really guess na hindi, somehow nakakarelate ako sa nararamdaman nya and i really prayed for her na sana di sumama yung loob nya gaya ng pagsama ng loob ko for what happened between them ni poy..
Sa pag uusap namin ulit ni poy nahalata ko na may nagbago sa ugali nya, he's kinda paranoid kahit marinig nya lang na may umaaligid saken, nagwawala sya at sa pagkataranta ko sa pagiging ganun nya i said yes sa relasyon namin which is alam kong mali kasi im still recovering...
recovering for what he did, at yun nga nagkabalikan kami and to make the story short napuno ng sumbatan yung pagbabalikan namin na yun, kung bat nya nagawa yun, kung bat sa kamag anak ko pa sya lumandi? Kung bat nagawa nya akong ipagpalit kung mahal nya talaga ako?..
Kung bat nya ako iniwan sa ere dati? Kung bat nya ako pinagsakripisyo para lang sa wala? Kung bat naging ganito kami? at kung ano ano pang panunumbat. Wala akong against dun sa babae, were good actually, nag uusap kami, at walang samaan ng loob..
pero yung pain na dulot nung ginawa ng ex ko yung sumisira sa relasyon namin araw araw. Hanggang sa nauwi nanaman sa hiwalayan, balikan, repeat.

And everytime na mag aaway kami nauungkat yung pag iwan nya saken dati kaya lumalala away namin..
At every time nagkakaganun kami minimake sure nya na hindi na mangyayari ulit yun, na kahit umalis magulang nya dito lang sya kasi nandito naman ang mostly sa kamag anak nila eh, nangako sya na never nya na gagawin na iwan ulit ako, na magsstay lang sya sa tabi ko..
And again nagtiwala nanaman ako kasi nangako sya. Tapos neto lang, mga march biglang binalita nya saken na aalis nanaman daw sila para bumalik sa manila at nakikiusap na antayin ko sya. Wtf! biglang nagflashback lahat, yung pain, yung pagsasuffer ko sa pag alis nya..lahat lahat..
yung mga pangako nyang napako dati, biglang bumalik lahat yung sakit. Walang araw, gabi ang lumipas na hindi ako umiyak since that day. Ang sakit, kahit isipin ko pa lang hindi ko kaya, hindi ko kaya na umalis ulit sya, hindi ko kaya na iwan nya ulit ako, nangako sya eh..
Tapos biglang ganun nanaman? Sabi nya magstay sya pero wala, hindi daw pwede kaya nakikiusap syang antayin ko sya at sana wag ko syang ipagpalit.
And now I am torn between saving myself or maniwala ulit sa kanya.maniwala pa rin despite of all the pagpapaasa.

Kasi hindi man ako magtiwala ulit, sabihin ko man na di ko sya antayin, isalba ko man ang sarili ko, di ko rin alam kung pano.
There's no such way ngayong ayoko nang kumilala at magpapasok ng bagong tao sa buhay ko kasi alam ko na yung ending.

Ayoko na makita ulit yung sarili ko na naiinlove at nababaliw ulit sa isang tao tapos ako rin ang madudurog sa huli.
---end---
You can follow @amlngbn.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: