Binuksan mo yung TV para manuod ng Myx.

May nakita kang mga babaeng naka-itim, kumakanta ng "You better run, run, run".

Sabi mo sa sarili mo, "Hala, sino na naman to? Bakit ang dami nila? Magkakamuka naman."

Pero dahil laging nasa Top 10, dinowload mo sa MP3 player mo.
"Oh, oh, oh! Oppa-reul saranghae!"
Nakita mo din sa Top 10.

Dinownload mo din at narealize mo na iisang group lang ang kumanta.

"SNSD? Ang weird nung name. Pero catchy songs."
Pumunta ka sa computer shop para magdownload ng mga bagong kanta.

Naalala mo yung "SNSD".

Tinype mo sa Google Images at ito ang lumitaw.

"9? Taeyeon... Yoona... Jessica... Hyoyeon... Tiffany... Seohyun... Sooyoung... Sunny... Yuri... Ang dami naman nila."
Pumunta ka sa Youtube para panuorin ulit yung dalawang music videos.
Run Devil Run at Oh!.

Hanggang sa pinanuod mo na rin yung ibang music videos.
Genie, Into The New World, Kissing You, Gee, Girls' Generation.

Girls' Generation.
Ayun pala ang pangalan ng group nila.
Kung anong taray at charisma nila sa mga music video, nabaliktad noong nanuod ka na ng variety shows nila.

Girls Go To School, Horror Movie Factory, Factory Girl, Hello Baby, Intimate Note.

"Sila ba talaga to?" Natatawa ka habang pinapanuod silang gisingin si Taeyeon.
Sa kakanuod mo ng mga shows nila, hindi mo napansin na unti-unti ka nang naging invested sa group nila.

Hanggang sa nakabisado mo na yung mga pangalan nila, birthdays... blood type... height... fave number at fave color...

Na kahit mata o bibig nalang, kilala mo na kung sino.
You can follow @kjlhkkcis.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: