β€œπ•Šπ•’ π•Šπ•¦π•€π•¦π•Ÿπ• π•• π•Ÿπ•’ β„π•’π•“π•’π•Ÿπ•˜ 𝔹𝕦𝕙𝕒π•ͺ”
𝔸 β„‚π•™π•’π•Ÿπ•˜π•€π•¦π•“ 𝕩 𝕣𝕖𝕒𝕕𝕖𝕣/𝕆ℂ 𝕕𝕣𝕒𝕓𝕓𝕝𝕖

β€œπ•€π•œπ•’π•¨ 𝕑𝕒 π•£π•šπ•Ÿ π•’π•Ÿπ•˜ π•‘π•šπ•‘π•šπ•π•šπ•šπ•Ÿ
π•œπ• π•Ÿπ•˜ π•žπ•’π•™π•’π•π•šπ•Ÿ
π•Šπ•’ π•€π•¦π•€π•¦π•Ÿπ• π••
π•Ÿπ•’ π•™π•’π•“π•’π•Ÿπ•˜-𝕓𝕦𝕙𝕒π•ͺ”
πŸ‘ filo drabble
πŸ‘ don’t reply only qrt and like
πŸ‘completely fictional
πŸ‘pls don’t hate me
πŸ‘song prompt: Sa Susunod na Habang Buhay by Ben and Ben
Nakita kita...

Palapit...

Nakangiti...
Di ko naiwasang ngumiti rin...

At bumilis ang tibok ng puso ko...
Parang unang pagkikita natin...

Sa entablado...
Ako ay baguhan pa lamang noon sa industriya...

Ikaw nama’y medyo karanasan na...
Ako’y napagalitan sapagkat di ko maalala ang aking linya...

Nagtago sa isang sulok...

At lumuha...
Nang biglang iniabot ang panyo...

Ako’y napatingala...

Bumilis ang tibok ng aking puso...
Inalokan mo na tulungan ako...

Doon nagsimula ang ating pagkakaibigan...
Pagkatapos ng pag-eensayo...

Kakain tayo ng hapunan habang binabasa ang mga linya ko...
Sa tuwing tingin ko di ko makakaya at ako’y malulungkot...

Papatawanin mo ako sa iyong kakaibang paraan...
At gayon din naman kapag nahihirapan ka...
Naging tradisyon natin ito...

Hanggang sa huling beses na ipalabas dula...
Tayo’y lumabas kasama ng ating mga katrabaho...

Nagsaya...
Biglang napatanong ang ating kasama...

β€œKung meron ka mang papakasalan dito, sino yon?”

Napaisip ka...

Medyo hindi ako makahinga...

Hanggang...
Sa itinuro mo ang nguso mo sa akin...
Nagsihiyawan ang lahat...

Ako’y napatago nalang sa aking mga palad at napayuko
β€œTotoo lahat ng sinabi ko.”

Sabi mo habang naglalakad tayo para ihatid mo ako.

β€œTalaga ba? Baka napilitan ka lang ah?”

Tumigil ka sa paglalakad, humarap sa akin at itinaas ang iyong kanang kamay...
β€œIpinapangako ko...pagbalik ko mula sa pagtupad ng aking tungkulin, pag wala pa...ikaw na...”

Sa ilalim ng cherry blossoms...ang ating daliri ay tumatak ng pangako
Bumalik sa kasalukuyan...

β€œKamusta ka na? Manonood ka rin ba?”

β€œSiyempre! Dito nagsimula ang lahat...”

β€œAh! Oo nga pala...fiancΓ©e ko pala...”
Nawasak puso ko.

Paano ang pangako mo sa akin noon?
Di bale...

Baka ako naman ang swertehin...

Hintayin nalang kita sa sunod ha?
-END THREAD-
You can follow @startingmelody.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword β€œunroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: