Marami ang takot akong yayaing uminom. Ang kaalaman kasi ng karamihan, DUI ang kinamatay ni Jerome. Yun lang ang nakalagay sa police report para tapos na ang usapan. Kupal diba? Anyway, I still drink. Tonight I'm challenging myself na ubusin ang isang bote kahit di malamig.
Ilang araw na ba tayong hindi normal na namumuhay dahil sa virus na yan? Minsan kasi kahit ano pang pilit mo sa sarili mong may magagandang naidudulot ang mga nagyayari, di mo maiwasang hanap hanapin yung mga nakasanayan mo na.
Nakuha ko nga yung hiling kong mapagisa at manahimik pero may kapalit. Nabawasan ang freedom at pressured magdecide coz of circumstances. I can't see my family. I miss my friends. I couldn't even go out to eat on my own. Alin ang mas gusto ko? Should I be glad? Should I be sad?
Tonight, I have my bottle of red horse keeping me company. I'm really a Pale Pilsen drinker. RH ang go-to drink ni love. Tonight, I sulk and drink for you. Ironic that I have stock ng beer pero wala naman akong ref.
I dunno what the universe is tryna tell me pero lahat ng pinanood ko today may involved na CCTVs, car accidents, DUIs... Major causes ng trauma ko. It's like telling me to face my fears and accept things which I don't have control of.
Will probably delete this thread. Dunno. A lot of things are going on in my mind. Gusto ko lang ilabas. Di ko alam alin ang mas nakakapagod, maging optimistic o pessimistic. O pessimistic na nagpapanggap na optimistic...