Sa panahon ng krisis kung saan maraming buhay ang nakasalalay, ang pagsunod sa mga patnubay pang kalusugan ay tunay na mahalaga. Ngunit hindi dapat tayo maging bulag sa mga anomalya ng sistema at hingiin ang serbisyo na nararapat para sa atin.
Sa pagsubok na ito, ang bawat isa ay dapat maging mapagmatyag sa mga nangyayari sa ating kapaligiran, at maging maingat sa mga impormasyong ibabahagi natin sa iba.
Nawa ay maging responsableng mamamayan ang bawat isa at mag tulungan sa panahong ito na may malaking suliranin na hinaharap.
Ang UE Debate and Speech Society ay kasama ng mga masang Pilipino at mga magigiting na “frontliners” sa paghingi ng konkretong aksyon, maayos na pagbibigay ng mga ayuda, mabilis na paglalabas ng mga lehitimong impormasyon, at ang pantay na pagpapatupad ng mga panuntunan sa (cont)
mahirap man o sa mayaman. Sa panahon ng pagsubok na ito, nangangailangan ng matibay at epiktibong sentro ang sambayanang Pilipino.
#WeHealAsOne
#BosesNgMasa
#BabangonAngPinas

Layout by Joshua Molo
Photo credits to UE Dawn
You can follow @UEDebateSociety.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: