jowa mo 'yan, hindi alila.

a thread;
hindi kayo pumasok sa isang relasyon para gawing "sunud-sunuran" mo lang.
lagi mong pinagbabawalan sa mga bagay na gusto niya ring gawin?

bakit? ikaw lang ba ang dapat niyang pagka-abalahan?
lagi mong sinasakal sa mga taong gusto niya ring makasama?

bakit? ikaw lang ba yung taong pinapahalagahan at pina-prayoridad niya?
oo jowa mo 'yan, pero 'wag ka namang makasarili. 'wag mo namang solohin.

mag-jowa kayo, mag-partner kayo. dapat sinusuportahan niyo ang kagustuhan ng isa't isa as long as hindi naaapektuhan ang pagsasama o relasyon ninyo.
hayaan mo pa ring i-enjoy niya mga nais niyang gawin na siya lang.

hayaan mo pa ring makasama niya ang mga kaibigan niya.

dahil hindi lang naman ikaw ang pinaglalaanan niya ng oras at atensyon.
kung talagang may tiwala ka diyan sa jowa mo, hindi mo kokontrolin o mamanipulahin yung bawat galaw niya.
bilang jowa mo, dapat alam mo rin yung limits mo. alam mo rin yung lugar mo sa buhay niya, jowa ka pa lang, hindi ka pa asawa, remember?
huwag mo siyang tanggalan ng karapatan at alisan ng kalayaan. sabi nga nila:

"The relationship that grows together, stays forever."

kaya dapat you work as partner. mag-function kayo as magkarelasyon.
You can follow @delcarmen_jorel.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: