mahirap Ma-Attach sa taong clingy lang.

a thread;
mahirap ma attached sa taong clingy lang, na halos kasama mo araw-araw. yung taong lagi mong nakakausap, yung tao na lagi mong ka-chat tuwing madaling araw para mag puyat, yung taong nakakabiruan mo at nasasandalan kapag luha na ang pumatak sa iyong mata.
yung para bang hindi kana rin sanay ng wala siya. tapos wala namang dahilan, tapos hindi naman kayo talaga, pero malambing kayo sa isat-isa. in short wala kayong label.
mahirap ma-attach kasi hindi mo namamalayan lumalalim na yung pagtingin mo sa kanya.
Hindi mo namamalayan na masyado ka ng nagbibigay atensyon sa kanya.

Hindi mo namamalayan na siya at siya na lang yung hinahanap-hanap mo.
Hindi mo namamalayan na siya na yung bukambibig mo.

Hindi mo namamalayan kung ano ka lang sa kanya.
Hindi mo namamalayan namimiss mo na agad sya.

Hindi mo namamalayang malungkot ka dahil di mo sya nakasama.
Hindi mo namamalayan na umaasa ka na pala.

Hindi mo namamalayan na nagseselos ka na tuwing may kasama siyang iba.
Hindi mo namamalayan na nahuhulog ka na sa kanya.

Hindi mo namamalayan na nagiging tanga ka na.
Hindi mo namamalayan na nagmamahal ka na pala.

Hindi mo namamalayan ang posibilidad na pwede kang masaktan.
Pag masyado tayong naattach sa isang tao, parang ang hirap na kumawala. masaya lang tayo pag kasama natin siya, yung kasiyahan na yun nag uumapaw kaya hindi na natin naiisip na.
teka lang baka mahalin ko na tong taong to. walang masama sa pagmamahal pero ang tanong ay, may chance ba na mahalin ka rin ng taong ito? kung na-assess mo na kung ano ba talaga ang nararamdaman mo.
the next question would be:
ARE YOU READY TO GET HURT? Are you ready to get broken? Kasi may 199% chance na ang love na ibabahagi mo won't reciprocate accordingly.
so better quipped yourself with armors na mababackfire lahat ng sakit na pwede mong makuha sa pagmamahal ng isang tao.
You can follow @chitomirndajr.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: