maghihintay pa ba o dapat nang bumitaw?

a thread;
hihintayin ko pa ba ang iyong pagbabalik o dapat ko ng tuluyang tanggapin na hindi ka na babalik?
hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin at kung ano ang dapat kong sundin.
na-stuck ako sa thought na:

"nangako ka eh, kaya hanggang ngayon pinanghahawakan ko pa rin yung mga sinabi mo."

kahit alam kong malabo ng mangyari 'yun.
maghihintay pa ba ako sa mga pangakong binitawan mo o dapat na rin akong bumitaw kagaya ng ginawa mo?
ang hirap lang mamili ng desisyon kasi umaasa pa rin ako, kumakapit sa katiting na baka sakali.

na baka bumalik ka ulit.
bakit kasi ganon?

yung taong nakasanayan mong nandiyan.

yung taong tinrato mong mahalaga.

yung taong sobrang kinatatakutan mong mawala.

yung taong pinangakuan kang hindi ka
tatalikuran.

magagawa rin palang iwanan ka.
pero siguro nga.

hindi lang talaga tayo ang para sa isa't isa.

siguro nga. pinagtagpo lang tayo pero hindi itinadhana.

siguro nga. kailangan ko na ring bumitaw.

siguro nga. kailangan ko na ring tanggapin.
bumitaw dahil tapos na eh. wala na eh. ano pang saysay?

sabi nga nila:

"huwag mo ng ipaglaban yung bagay na alam mong tapos na."
You can follow @delcarmen_jorel.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: