Sa mga teknikal na field gaya ng medisina, mas madalas ang BORROWING, o ang paglilipat ng orihinal na termino papunta sa salin. Sa madaling sabi, retained ang original term sa source text/language (ex: Patient Under Investigation/PUI).
Helpful ang borrowing kung may bahagi sa translated text na magpapaliwanag ng kahulugan nito. Hal: sa latest DOH algorithm, oks lang na retained ang PUI/PUM dahil may paliwanag naman sa Filipino kung ano ito o ano ang mga katangian nito.
Minsan, ang ginagawa ng translator ay BORROWING + EXPLICATION (o may dagdag nang paliwanag na wala sa orig). Kung may space pa sa infographic/pubmat, halimbawa, pwedeng ang “PUI” ay “Patient Under Investigation (o pasyenteng kailangang i-admit sa ospital para sa testing).”
Depende sa kausap o target audience reader, imbes na explication ay EQUIVALENCE ang gamitin. Dito, mas habol mo na ang makuha ang esensya ng orig at wala ka na masyadong pakialam kung structurally same pa ang orig sa translation.
Example ng equivalence sa PUI ay “Taong Inaalam kung Maysakit/TIM” o “Sinisiyasat kung Maysakit/ SKM.” Ang layo na niya sa orig na PUI pero baka mas maunawaan ng kausap lalo kung walang ibang kasamang paliwanag ang salita (o di part ng mas malaking infographic/pubmat).
Gumagawa tayo ng adjustments base sa context at needs. Hal: dito sa exchange namin ni @endocrine_witch , hindi part ng mas malaking text ang PUI/PUM, kaya combo ng borrowing (ng terms na PUI/PUM), equivalence (sa meaning) at explication (ng diff between PUI/PUM)ang initial rekom:
So para sa translation work, i-check:a. Ano ang purpose; b. May kasama bang ibang texts o single terms lang; c. Sino ang tatanggap ng translation; d. Sino ang mga kasama sa process (for counter-checking, verification atbp.). Kung klaro ito, mas optimal ang magagawang translation.
So medyo natanga ako at di nalink ang orig na post, so ikabit ko na lang sa dulo (sorry!). Bale ang mahabng thread ay gabay/cheat sheet sa mga manunulat, guro, health worker atbp. na kailangan o gustong mag-engage sa translation work para sa #COVID19PH
Para sa mga interesado, ili-link ko ang mas mahabang paper/s na pinagbasehan ng mga approach na ito. Ang mga naunang nabanggit na approach ay para sa mga mas urgent na translation work re: COVID-19, pero may ishe-share din akong ibang mga pwedeng gawin sa pagsasalin sa susunod:
Source: Vinay, Jean-Paul at Darbelnet, Jean. “A Methodology for Translation.” Nasa The Translation Studies Reader, Venuti, Lawrence ed. London: Routledge, 2000.//Ang ilang samples ay galing kay Dr. Galileo Zafra ng UP DFPP.

Para sa mga interesado, narito ang ilang aplikasyon ng translation o pagsasalin na dagdag o pampalawak sa ideya ng pagsasalin bilang simpleng usapin at proseso ng paglilipat ng mga kaisipan sa iba’t ibang wika o anyo.
Ang buod: marami ang sanay sa linguistic na approach sa pagsasalin: pagpapalit sa parehong wika (intralingual),2 o higit pang wika (interlingual), o 2 o higit pang anyo (intersemiotic, hal: novel to film). Pero gaya ng ibang mga disiplina, may social dimension din ang pagsasalin:
Madalas lumilitaw ang social aspects ng translation hindi sa pagkaeksakto kundi sa paglilihis/shifts. Hal: dito sa translation ng UP Inst of Human Rights, ang “misleading” ay ginawang “nakalilinlang.” Less clinical ang Filipino term, pero mas matapat sa sentimiyento ng marami.
Sa Filipino version, parang sinasabi na “oo, may pagkilala kami na sa dulo, may panlolokong nagaganap, at mahalagang katawanin ito ng wikang ginagamit natin.”
Sa broadest sense, ang mundo natin ay translation o pagsasalin, dahil naglilipat tayo sa iba’t ibang mga wika at anyo ng pag-unawa at pagpapaunawa natin ng mga karanasan. Ang headline o caption para sa isang balita ay pwedeng translation work, dahil framing siya ng pananaw:
Interesting intralingual translation itong dalawang headline re: panghuhuli sa mga taga-Sitio San Roque. Same event, iba ang pagsasalin ng pananaw. Ang una, nasa pagrehistro at paghingi ng tulong; ang pangalawa, nagdidiin sa paglabag sa batas. Kaya litaw ang pinapanigan.
“Translation” din itong dalawang headline na pinagtabi, tungkol sa isang senador at isang mayor. Magkaiba ang insidente sa magkaibang personalidad, at mula dito ay naisalin ang pananaw tungkol sa pagiging balanse o di balanse ng mga mekanismo ng batas sa ngayon.
Pwedeng maging translation din ang mga quoted tweet gaya nitong mga reaksyon tungkol sa pagiging fake news diumano ng kakulangan ng PPE at iba pang kagamitang medikal. Ang statements na ito ay nagiging translation ng ibang mga pananaw ng mga nasa kongreso at ng nasa mga ospital.
Marami pang mga halimbawa lalo ngayon. Mahalagang bantayan ay: 1.sino ang may kontrol sa mga daluyan ng salita/impormasyon;2. Ano ang dominanteng larawan o kwento ng mundo ayon sa mga nasa taas; 3. Paano kinokontra ng mga nasa baba/gilid ang mga dominanteng larawan o kwento.
Kailangang bantayan,anong larawan ba ng Pilipinas ang ipinipinta ng mga nasa pamunuan kaugnay sa COVID-19?Paano naiiba ang karanasan at kwento ng mga health worker,ng mga kritiko ng administrasyon,ng mga karaniwang mamamayan, sa larawan ng bansang binubuo ng nasa kapangyarihan?
Kaya bilang pahabol, screenshot ng tulong na ibinibigay sa Sitio San Roque. Sa mga naghahanap kung paano naisasalin o naililipat ang kolektibong pagpuna at pagsasalita (social media man o sa iba pa), isa lamang itong larawan sa marami nang tagumpay ng pagpuna at pagkalampag.
