Day6 as Doctors, a thread. đŸ©
(Habang duty kahapon, naisip ko to.. 😉)
Dr PARK SUNGJIN
-General Surgery, metikuloso at perfectionist pero ngingitian ka pag ginreet mo ng goodmorning.
-di aasa sa resident, sya mismo papasok sa patient room para sa pre-op assessment.
-madalas nya itanong bago surgery "ano kaya masarap na lunch after nito?"
-crush ng halos lahat ng mga residente nya.
-with very skillful hands, malinis magopen at magclose ng operative wound, parang niruler.
-ieexplain pathophysio while doing bedside debridement ng infected stage 4 pressure ulcer ng pasyete
-madaling tawagin for urgent referrals
Dr PARK JAEHYUNG
-Neurosurgery, conyo, cool sa loob ng OR.
-he prefers d nurse inside the patient room to assist him during pre-op assessment kasi pa-fall sya. char.
-During surgery, magpapapunas ng pawis o papaadjust ng mask sa circulating nurse kase nga pa-fall sya. char ulet.
-Gusto na may bgm habang nagoopera.
-Magsshare ng insights abt his faith, bullying, world peace, gun control at violence against women habang nagpperform ng craniotomy.
-Naka-airpods pag nagrrounds at naghhum habang inaasess ang nirefer ng nurse na "no output" EVD ng pasyente.
Dr KANG YOUNGHYUN
-Anesthesia, deadly ang ngiti at titig gaya ng mga sedatives na inaadminister nya.
-Tinanong mo "Doc, cno singer nyan" kase nacurious ka. Sinagot k ng "ah wala, inisip q lang lyrics habang pineprep 2ng patient 4 GA sabay kanta na, ok ba?"
-Expert sa insertion.
-Madalas tulog pag walang elective. Mejo mahirap din gisingin pag may emergency.
-Laging napagttripang pasayawin pag Christmas party.
-Ritual nyang uminom ng dalawang grande Americano before surgery.
-Madalas mag-aya ng unli samgyup at inuman pag off sya at mga OR tropa nya.
Dr KIM WONPIL
-Cardiology, magkaka SVT ka pag nginitian ka nya.
-Soft spoken at favorite ng mga residents at nurses kasi sobrang bait.
-Ieexplain sa pasyente ung nangyayare during cardiac cath. "Nay, malapit na po matapos. Relax lang po, andito po kaming lahat para sa inyo."
-Mag-ooffer ng tubig lagi para sa mga pasyente pagkatapos ng stress test.
-Magtuturo ng ECG interpretation sa clinic nurse pag walang pasyente for consultation.
-Siya mismo maghhealth teaching sa asawa ng pasyente nyang post MI.
Dr YOON DOWOON
-Orthopedics, mahilig makipag lowkey harutan sa mga nurse at residente nya.
-Kahit na durog na, nappagaling pa rin nya. Bones to ha, hindi puso.
-Pampakalma nya before OR ang magtatambol ng kung anu-ano. Madalas makadamage ng anything na nababasag katatambol nya.
-Dry ang humor at mejo poor ang comedic timing pero aliw kung bumanat "Kung di ka nag ala-drag race driver eh di ka sana mukhang si Optimus Prime sa dami ng bakal sa katawan mo."
-Favorite ng mga nurse kasi laging naka please at thank you pag hihingi ng favor during procedure.
-end-
You can follow @jaespickk.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: