Sa araw-araw na pamamasada sa Maynila, marami kang makikitang bandalismo sa mga pader; kadalasan walang katuturan, minsan masahol—pero 'pag panawagan, tinatapalan agad o kaya kinukunan ng retrato at kinukundena.

Hindi galit ang gobyerno sa bandalismo: galit ito sa sinasabi nito. https://twitter.com/MariaMagdalera/status/1194117563287928834
Sa gobyernong walang ibang alam kung hindi magmalinis sa mga kasalanan nito, "malinis" na mga pader at kalsada na ang pamantayan ng "kaunlaran."

Pero kaunlaran para kanino? Ano ang kalinisan na tinatakpan at tinatapalan lang ang kabulukan ng lipunan?
Hindi naman hahantong sa ganitong uri ng protesta ang mga panawagan kung tunay na pinakikinggan ng gobyerno ang panawagan ng mamamayan.

Ngayong nasa harap na nila ang mga panawagan, pilit nilang pinagtatakpan, pilit nilang pinatatahimik.
You can follow @pmjamilla.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: