sa paghiga ko ngayong gabi, may napagbulay-bulayan ako.

(us2 mo yun??? bulay-bulay hahaha)
while viewing ‘my day’, nakita ko ‘tong kay sir.
napaisip ako. meron nga ba akong ginagawa na makakagawa ng “difference” sa future?
napaisip ako. sa sarili ko, alam kong meron. nag-aaral naman ako nang mabuti eh. (tho di pa pasukan haha) tsaka i’ll do my very best to achieve my dreams one step at a time. slowly, but surely.
yun lang ba? alam kong hindi pa dun nagtatapos. yung mga bata, naisip ko rin. nag-iinvest ako ng oras at panahon sa kanila. yung mga bata na patuloy naming tinataniman ng mga aral sa buhay na nagpapatotoo sa pag-ibig ng Diyos.
bakit pagtatanim? kasi diba, sa 100 na butil ng puno na itatanim mo, hindi naman lahat tutubo na as in magiging puno talaga diba? may mga hindi lalago, may mga tutubo pero di matutuloy, may mga masisira, pero may mga magiging puno talaga.
oo, hindi lahat. hindi lahat ng itatanim, magbubunga. pero ayokong magfocus sa mga hindi tutubo. i’m looking forward to those who will bloom where they are planted. sobrang thankful ko sa Lord na hinahayaan Niya akong maexperience yung pag-iisip ng mga ituturo—
sa mga bata, ipapalaro, ipapaprize, at kung ano-ano pang efforts na mabibigay sa mga bata. i love seeing them grow. imagine, yung dating mga babies ko sa grade 1&2, nasa grade 5&6 na ngayooon! alam kong hindi masasayang yung efforts, pagod, puyat, daldal, at paggising—
sa umaga tuwing araw ng linggo (tho late ako) para humarap sa kanila na may ngiti. hindi sayang, lahat yun may patutunguhan. sisiguraduhin kong babaunin nila yung mga aral na yun. kahit hindi na nila ako maalala bilang teacher faye, sana maisapuso nila yung mga itinatanim—
namin sa kanila, yun ay ang pagmamahal ng Diyos. sobrang thankyou kay Lord, na kahit hindi ako perfect, kahit makasalanan ako, kahit di ako karapat-dapat, pinili Niya ako. pinili Niya pa rin ako para maging instrumento.
You can follow @superfayeeeeee.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: