Mga natutunan ko sa life:

1. Let go yung mga toxic and bad influence na tao sa buhay mo.

2. Maging consistent sa mga bagay na makakapag-improve ng pagkatao mo mentally, spiritually, physically.

3. Mag-set ng deadlines sa mga dapat gawin at tapusin.
4. God's timing talaga hindi timing mo, o ng magulang mo, o ng mga tao sa paligid mo.

5. Wag mong i-feed ng sadness at negativity ang utak mo. Umiwas kung maaari. Focus sa blessing.

6. God's love will never fail. Kahit ano ka, kahit sino ka, mahal ka ng Diyos.
7. May reason kung bakit may nawawalang tao sa buhay natin. Baka hindi pala talaga sila for us o tapos na ang mission nila sa story natin.

8. Wag mong ipipilit ang sarili mo sa bagay na hindi para sa atin, sa taong ayaw naman sa atin at sa mga pagkakataong hindi para sa atin.
9. Sasaktan ka ng iba. Iiyak ka. Malulungkot.

Madadapa pero magpapahinga ka. Hihinga, pupunasan ang mga luha. Tapos babangon at magmu-move on.

Wala kang choice kundi ang magpatuloy. Ganon ang buhay. Masasaktan, gagaling. Magkakamali, matututo.

Magpapatuloy.
10. Maraming mananakit sa 'yo. Maraming aalis sa buhay mo. Aagawin nila ang mga gusto mo. Pahihirapan ka nila sa buhay mo. Pero wag kang susuko, wag kang titigil, dahil tandaan mo, lahat ng bida, inaapi talaga sa umpisa.
11. Kapag wala ka namang control sa mga nangyayari, kalma ka na at hayaan na lang ito.

12. Hindi lahat ng issue, pinapatulan.

13. Wag mong sasabayan ang init ng ulo ng iba. Kung makakaiwas, umiwas.

14. Hindi mo kailangang i-please ang lahat.
15. Sobrang hirap magtrust ulit kaya sana, walang sayangan ng tiwala.

16. "Pakumbaba + sincere apology kahit simpleng pasensiya na or I'm sorry" can make the world a better place.

17. Greatest feeling? Yung maamin mo sa sarili mo na mali ka at willing kang magbago. Maturity!
18. Have fun.

19. Take care of yourself.

20. You can always say no.

21. The less you care, the happier you'll be.
22. You can always turn away sa mga bagay na nakapipigil sa 'yo sa pag-unlad, sa mga taong pumipigil sa 'yong maging masaya, at sa mga pagkakataong sisira sa pinaghirapan mong pangarap.
23. I-push ang sarili para maging better. Gawin ang mga dapat gawin. Simulan ang mga dapat tapusin. Ipagpatuloy ang mga nahintong gawain. Konting sipag at tiyaga hanggang sa maging parte na ng araw-araw mo ang kasipagan. Laban. Tuloy lang.
24. Tanggapin mo ang lahat ng mga pagkukulang mo at magsimulang ayusin ang mga pagkakamali. Wag sayangin ang pagkakataong matuto sa lahat.

25. Okay lang ang maging mahina. Okay lang ang matalo. Okay rin na hindi mo makuha ang lahat, basta ang mahalaga, sinusubukan mo pa rin.
26. Focus ka sa bagay na gusto mong gawin. Mula doon, makakagawa ka ng step para mapalapit sa goal mo sa buhay. Hindi mo kailangang maging magaling, magsimula ka muna, ayos na yun. Hanggang sa masanay ka na, na yung mahirap na gawain mo noon, simple na lang sa 'yo ngayon.
27. Latest realization ko 'to.
Mahilig akong mangarap.
Madali akong nakakakuha ng inspiration and motivation mula sa ibang tao, sa pinapanood ko, sa binabasa ko.
Tulad nito, nainspire ako sa quote na 'to. Pero ano ba ang kulang?
Yung actual na pagkilos. Yung pagsisimula. Yung paggawa. Yung pagtupad sa mga plano. Yung paggamit ng inspirasyon. Yung pag-apply ng motivation sa buhay.

Yun ang kulang. Kaya after ko 'to nabasa, pinost ko agad at ngayon, kikilos na ako.
28. Sarili mo yung pinakamalaki mong kalaban at pinakamalakas mong kakampi. Kailangan mo lang pumili kung sino ang kakampihan.

29. Wag mong hayaang agawin ng ibang tao yung light sa puso mo dahil lang sa maling ginawa nila sa 'yo.

30. Hindi lahat ay tungkol sa 'yo.
31. Kapag nasa isang sitwasyon kang matetest ang patience mo, just stay quiet. Inhale. Exhale. Understand. Stay away for awhile hanggang sa kumalma ang puso mo.
32. Piliin mong mabuti ang sinasamahan mo at mga pinapatuloy mo sa buhay mo. Doon ka sa tutulungan ka, sa pakikinggan ka, sa imomotivate ka, sa papagalitan ka kapag may mali kang nagawa, at sa mga taong may tunay na malasalit sa 'yo.
33. It's not always about you. Madalas mahilig tayong magbumida o magpavictim sa mga pangyayari na wala naman talagang effect sa atin. Masyado tayong self-centered. Mas gagaan ang buhay kung hindi ka LAGI ang bida. Mas chill kapag extra ka lang, yung dadaan lang sa camera.
34. Malalaman mong mabuti kang tao kapag mabuti ka pa rin sa kabila ng mga pananakit nila sa 'yo. Hindi dahil gusto mong magmukhang mabuti kundi dahil yun yung dapat mong gawin at tinuro sa 'yo ni Lord.
35. Kapag natutunan mo nang matuwa sa mga maliliit na biyayang binibigay sa 'yo, doon mo marerealize na madali lang palang maging masaya.
36. Hindi ka mabubuo ng ibang tao, totoo 'yon.

Kasi ang tanging makakakumpleto lang sa 'yo ay sarili mo lang.

Ikaw ang magdedesisyon kung tama na, kung bibitaw na, kung kailan laban pa, kung babangon ka na ba at magpapatuloy sa buhay.

Oo, ikaw lang... at yung guidance ni God.
37. Kumakapit ako kahit sa pinakamaliit na source ng happiness. Hindi naman dahil sa uhaw na uhaw ako sa kaligayahan pero di ba? Great things start from small beginnings.

At saka, sino ba ang hindi uhaw?
38. May mga bagay na DAPAT mong bitawan para makuha mo kung ano ba talaga yung DAPAT na para sa 'yo.
39. Tanggap ko nang may mga tao talagang hobby ang humanap ng negativity sa lahat ng bagay. 😊🌿
40. Ephesians 4:29
41. Natutunan kong i-manage at alalayan yung emosyon ko. Lahat tayo iba-iba ang reaction sa pain, anger, heartbreaks, disappointments. Pero ako, hindi ko hahayaang malason ng negative emotion ang puso ko. Hindi ko tatambayan ang GALIT. Hindi ko ipapasa ang SAKIT.
42. Ikaw ang pipili ng mararamdaman mo. Magpapalugmok ka ba sa galit, sasaya ka ba sa kilig, magpapasalamat sa pag-ibig, o aasang maging buo ka ulit?

Inuulit ko, ikaw ang pipili ng mararamdaman mo.
43. Hindi mo kailangang pilitin ang mga tao. Pwede kang magsuggest pero hindi mo kailangang ipagduldulan yung paniniwala mo.

Hayaan mo silang magdesisyon at sa kung ano man ang mapili nila, wala ka na don. Hayaan mo silang matuto. Hayaan mo silang mabuhay.
44. Kaya ka binigyan ni God ng mga biyaya dahil gusto Niyang gamitin mo ito para i-multiply. Paano? Share it. Use it para maglingkod sa iba. Gamitin para mapakita sa mundo na mabuti Siya. 🥰

Maliit man o malaki ang biyayang binigay, gamitin mo.
45. Huwag mong pilitin kung hindi naman talaga para sa 'yo. Hindi naman sa mahina ka pero may mga pagkakataong kailangan mong bitawan ang isang bagay dahil HINDI PALA PARA SA 'YO, HINDI NAMAN TALAGA PARA SA 'YO at HINDI NAMAN MAGIGING SA 'YO.
46. Ikaw ang may obligasyon at responsibilidad sa sarili mo - sa physical at mental health mo. Ikaw ang magdedesisyon kung sino ang papapasukin at paaalisin sa buhay mo. Ikaw ang bahala kung hahayaan mong saktan ka ng iba o kung kailan dapat protektahan mo na ang sarili mo.
47. Kung hindi mo kayang kontrolin ang sitwasyon, subukan mong kontrolin ang iyong emosyon.
48. Minsan, hindi mo kailangang problemahin ang problema ng iba. May sarili kang problema, doon ka magfocus muna.
You can follow @akoposimarcelo.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: