Unang beses na nabasa ko ang She's Dating the Gangster, alam ko lang, galing 'to sa candymag. May word o pdf file yung pinsan ko tapos ayun, kinopya. Naaalala ko pa nga sabi niya, "Say, basahin mo 'tong binabasa ko. Kathniel naiisip ko habang binabasa."
I guess 2011 or 2012 non.
I guess 2011 or 2012 non.
Ito yung mga panahon na dependent pa ang mga nagsusulat ng ebooks sa emoji. (^o^)V (2006 yata ang SDTG?)
May color coding pa nga per character. Pink kay Athena tapos Blue yung kay Kenji. Ito ang pinakaunang nabasa kong kuwento online. Hindi ko pa nadiscover ang wattpad.
May color coding pa nga per character. Pink kay Athena tapos Blue yung kay Kenji. Ito ang pinakaunang nabasa kong kuwento online. Hindi ko pa nadiscover ang wattpad.
Masyadong masakit ang kuwentong 'to. Kahit lumampas yatang 5 beses kong binasa ay humahagulgol pa rin ako. Paborito ko ang kantang Hiling ng Paramita nung elementary pero nung binasa ko ang breakup nila Kenji at Athena sabay ng kanta, noon ko nalaman, sobrang sakit pala talaga.
Pagkatapos ko mabasa nang ilang beses, pinanood ko yung pelikula na pinanood nila Athena at Kenji. Doon ko nakita yung influcences ng kuwento. Pinakamalaki yata yung sa A Millionair's First Love. Yung pagpunta ni Athena sa banyo tuwing di niya na kaya? Ganoon din sa bida.
Minahal ko ang characters. Thuglords? Hell, yeah! Sara and Grace? POWER! Athena Abigail? Hated that bitch. Lucas? Half of me was rooting for him. Seriously. Nainis ako nung nagpaubaya siya kasi medyo mahal na siya ni Athena at galit ako kay Kenji.
Masyado akong affected sa kuwento, eh. Nung na-publish into a book at nakita ko kung gaano kanipis at narinig ang reviews ng ibang friends, pinili kong hindi basahin. Yung candymag/wattpad version lang talaga ang para sa akin. Tapos nung nabalita na magiging movie, torn ako.
Kinabahan ako nung gagawin na itong movie dahil ayaw kong ma-disappoint. Ayaw kong mabago yung kuwento. Sobrang perfect na KathNiel ang gaganap dahil habang binabasa ko naman talaga ay sila lang ang naiisip ko. Nung sinabi na si Direk Cathy ang gagawa naisip ko, di ito masisira.
Nagrelease sila ng official photos. Look test. Sabi ko, "hala, di naman ganyan si Kenji, eh. jejemon 'yan, eh. Sexylove huhuhu." Sa totoo lang, noong unang beses na pinanood ko yung movie. Hinanap ko lahat ng nangyari sa ebook. Ibig sabihin, umpisa pa lang wala na kaagad, di ba?
Ginawang 90's ang setting. Imbes na myspace o chat, beeper ang ginamit. And it worked. The wardrobe made sense. Pareho ng storyline pero may mga natanggal. May mga binago. Hindi na sila part Korean, okay lang naman. At ambait ni Bee! Puta. Hahaha!
Hindi ako binigyan ng chance na kamuhian si Bee sa pelikula! Hindi binigyang highlight sina Jigs at Sara, Nathan at Grace, si Kirby, at si Carlo. Nasa pelikula sila pero hindi sing laki ng role sa original na kwento. May dumagdag pa ngang Stephen.
Noong una ay nagandahan ako sa pelikula pero hindi ako ganoon kasaya. Kasi iba na, eh. Pero nung pinanood ko ulit, doon ka na naappreciate. Kasi tapos na ako sa phase na inaabangan ko lahat ng nabasa ko. Pinanood ko na lang siya at dinama. Doon ko mas naramdaman yung kuwento.
Sabi ko nung una, hindi kasing sakit ng original. Magang maga yung mata ko sa chapter 48-50 eh. Pero nung inunawa ko yung mga linya sa pelikula at yung nangyari sa dulo, shet, ang sakit babes! Parang mas nasaktan ako sa sakripisyo ni Athena kahit nabuhay siya nang mahaba.
Doon ko naisip na, oo nga 'no? Hindi kailangang mamatay sila sa dulo para maging tragic ang kuwento. Minsan pala ay mas masakit yung buhay kayo pareho pero hindi kayo magkasama dahil mamamatay yung isa. I was hurting for her. Nagpatuloy ang buhay ni Kenji habang siya, buhay lang.
Ang unfair. Bakit si Athena mag-isa habang si Kenji may pamilya? Nabuntis niya si Abi? Bakit? Di niya na ba mahal si Athena? Hanggang sa may isang linya sa movie, sulat ni Kenji kay Kenneth.
"I loved you and your mom with all the live I CAN give." not his all, lahat lang ng kaya.
"I loved you and your mom with all the live I CAN give." not his all, lahat lang ng kaya.
Dahil si Athena pa rin. It never waivered. Kenji was and forever will be Lovebabe's Kenji. (puta naiyak ako while typing gago)
Abi and Ji got married but he never went back to being Bee's Sushi.
Abi and Ji got married but he never went back to being Bee's Sushi.
Kaya sobrang nakakaiyak yung Till I Met You montage, eh. After all those years of being apart, sobrang worth it ng paghihintay. Parang pati ako naghintay nang matagal samantalang 2 hrs lang yung movie.
"Hi" at "Gangster" lang mga sinabi pero ang dami nating naramdaman.
"Hi" at "Gangster" lang mga sinabi pero ang dami nating naramdaman.
Dahil sa pagmamahal ko sa original at sa pelikula, hindi ko na ginagawang ikumpara. Tiyak na maiiyak pa rin ako sa libro pag binasa ko at ilang beses ko na ring pinanood pero ganon pa rin.
Pero hindi ko masisisi ang ibang nagbasa na hindi gaanong nagustuhan ang pelikula.
Pero hindi ko masisisi ang ibang nagbasa na hindi gaanong nagustuhan ang pelikula.
Mayroon at mayroon tayong hahanapin talaga. Sa kabuuan naman, we still can't breathe, di ba? Sabi nga ni Kenji,
"Masyado kang seryoso. 'Yang sinasabi mo (i love you) ay katumbas ng pagsasabing hindi ka makahinga." (para sa mga di binasa, ito yung source ng I can't breathe. Hehe)
"Masyado kang seryoso. 'Yang sinasabi mo (i love you) ay katumbas ng pagsasabing hindi ka makahinga." (para sa mga di binasa, ito yung source ng I can't breathe. Hehe)
Mapa-libro/ebook/wattpad o pelikula, solid ang She's Dating the Gangster! Barney and Friends pa rin tayo!
Hanggang sa antukin at makatulog.
Always. Forever.
Hanggang sa antukin at makatulog.
Always. Forever.
Salamat forever @BianxB . Dahil sayo ang lahat ng pag-ibig at sakit na ito.
Salamat rin sa pagsasabuhay @bernardokath , @imdanielpadilla at Direk @cgm1326 .
Patuloy na pag-ibig, Lovebabe at Sexylove!
@SDTGOfficial
Salamat rin sa pagsasabuhay @bernardokath , @imdanielpadilla at Direk @cgm1326 .
Patuloy na pag-ibig, Lovebabe at Sexylove!
@SDTGOfficial
Pahabol:
Lahat ng nagbasa ng SDTG sigurado akong sobrang naappreciate ang maliit pero vital na pag-arte ni Kathryn sa tuwing mababanggit ang puso. Tulad nung sinabi ni Eslove na, "Ang tibay naman ng puso mo".
Lahat ng nagbasa ng SDTG sigurado akong sobrang naappreciate ang maliit pero vital na pag-arte ni Kathryn sa tuwing mababanggit ang puso. Tulad nung sinabi ni Eslove na, "Ang tibay naman ng puso mo".