my first love.

— a thread.
— galing akong bohol non, dahil don ako lumaki, at lumipat lang kami sa cavite. siguro mga 3 yrs old ako non nung lumipat kami. sa village na tinitirahan namin, kapit bahay lang kita non. hindi ka masyadong lumalabas, kayo nung kuya mo.
— so lumaki ako hanggang grade 3 di kita kilala. summer vacation non, nung nag lalaro kami ng mga pinsan ko ng bola ng basketball. tapos dun kayo sa baba, nag lalaro din kayo ng kuya mo. grade 2 kapa non. tas ako grade 3.
— then yung pinsan ko, nabato niya yung bola sa ulo ng kalaro mong bata rin. tas naalala ko pa non, tinatakot niyo kami. sabi niyo samen, 'lagot kayoo! isusumbong naming kayoo!' HAHHAAHHAHAHAA
— dahil sa nangyaring aksidenteng yon, kaaway na namin kayo bleh. yun nga, at dahil kapit bahay lang namin kayo, tuwing nag kikita tayo, lagi tayong nag samaan ng tingin.
— lumipas mga araw, naging mag kaibigan mga kaibigan mo at mga pinsan ko. so parang naging 'tropa tropa' na nangyare. maliban sakin syempre. di ko kayo tinuring na kaibigan nung time na yon HAHAHAHHAHA
— at dahil malaki ngipin ko dati, lagi mokong inaasar na 'rabbit' 'daga' 'mickeymouse'. tas ako dahil parang bunot buhok mo dati, lagi kitang inaasar na mushroom.
idc kung may nag babasa o wala, basta mag kwekwento ako HAHHAHAHAHAHA
— so yon lagi nating ginagawa, asaran tuwing mag kikita. tas kapag mapipikon ako, hahabulin kita tas sasabunutan. laging ganon.
— hanggang sa dumating yung punto na, naging close kayo ng pinsan ko. naging best friend mo siya at ganon rin siya sayo. lagi kayong mag kasama non. minsan pa nga nag so-solo kayo e. lagi kayong nag sasabihan ng secrets non. and wala akong pake sainyo nung time na yon enk.
— tapos dumating yung araw na sinabi ng pinsan ko secrets mo! crush mo ako kaya lagi mokong inaasar HAHAHAHAHAHAH
— tapos nung nalaman ko na crush mo ko, naging crush din kita. kase ako yung tipo dati na kung sino mag kaka crush saken, crush ko na din kahit uhugin HAHAHHAAHHAHA
— nung nag ka peysbuk ako, nalaman mo agad. tas inadd moko agad agad. ikaw yung pers prend ko sa pisbok. tapos one time, pinakita saken ni ate convo niyo sa fb, tubgkol saken lahat!
— hanggang sa katagalan, naging ka mu kita. ang bata natin pero ang landi na naten! HAHAHAHHAHAHAAH
— tumagal tayong 4 yrs. puro tayo selosan non kase nga ang bata pa natin. lagi kitang pinapaselos and ganon ka rin. pero di tayo nag hihiwalay HAHHAHAHAHAHA
— puro tayo vc, chat chat kahit na gabi na. hindi alam ng parents ko non tungkol saken at wala akong balak sabihin. strict banaman lalo na si papa. kaya tuwing binubuksan fb ko, ang bilis ng kamay kong i-archive convo naten para di mahuli.
— tapos nung grade 7 nako, bigla kang nag bago. nawala yung sweetness mo. nawala rin yung 'lsm' mo tuwing umaga at tuwing gabi. kaya ako lagi nag l-lsm sayo tuwing umaga. nasanay ako non na may lsm tuwing gabi kase lagi kitang tinutulugan. kaso biglang nawala yon.
— online ka lagi pero di moko chinachat non. tas one time, chinat ka ni ate non gamit acc ko. inaway ka ni ate gamit acc ko non. nung una, inaagaw ko cp ko kay ate non e kase ayokong mag away tayo. pero nung binasa ko na yung convo, sheteng malagkit polgoso! ang sakit.
— ang sakit kase don ko nalaman yung lahat. na ayaw mo na pala. grabe, sa haba ng years na naging mu tayo, bumigay ka rin.
— ang hirap pala kapag mu lang no? wala kasing kasiguraduhan na may kayo hanggang dulo.
— don nag tapos yung 4 years na mu naten. nag tapos sa salitang 'ayoko na, sawa nako'. it's been seven years na nung nakilala kita. and hanggang ngayon, i'm not sure kung naka move na ba ako or what.
— confused ako ngayon. kase may side saken na naka move on nako, pero sa tuwing nakikita kita, naalala ka, bumabalik yung memories nating dalawa. yung memories na may mararandaman kang kilig at sakit.
— so ang tanong bakit ang tanga ko sayo? simple lang kase. pinaramdam mo kase sakin na mahalaga ako kahit na bata pa tayo. pinaramdam mo saken na especial ako sayo. na kahit ang bata natin, alam ko sa sarili ko na totoo yung nararamdaman ko sayo.
— ang hirap pala kalabanin pag perslab mo. kase kahit anong gawin mo, hindi siya na-aalis sa puso mo. kase nga, siya yung unang minahal mo.
— first love never dies. totoo nga.
You can follow @ashinyx.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: